Friday , July 26 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Naguguluhan sa panaginip (2)

00 PanaginipKung sa panaginip naman ay naliligo ka sa ilog, ito ay nagre-represent ng purification at cleansing.

Ang pag-iyak naman sa bungang-tulog ay maaaring nagsasaad ng pag-release ng negative emotions na may kaugnayan sa sitwasyong ikaw ay gising. Ang luha ay nagpapakita ng compassion, emotional healing at spiritual cleansing. Alternatively, ito rin ay maaaring nagsasaad ng sakit at kabiguan. Ang iyong panaginip ay isang paraan upang manumbalik ang ilang emotional balance at isang paraan na rin upang ligtas na mailabas ang iyong takot at kabiguan. Sa ating pang-araw-araw na buhay, may mga pagkakataong hindi natin napapansin, itinatanggi, o kinukuyom natin ang ating mga damdamin. Pero kapag tayo ay nasa kalagayang tulog, ang ating defense mechanisms ay hindi na nagbabantay kaya nagkakaroon ng pagkakataon na mai-release ang ganitong mga emosyon.

Kapag nakakita ng flashlight sa panaginip, ito ay nagsa-suggest na may mga katanungan ka sa ilang isyu ukol sa iyong sarili mismo. Maaaring pinipilit mong magkaroon ng linaw or to shed light sa iyong deeper thoughts and/or subconscious feelings. Ito ay sumisimbolo rin sa sudden awareness, insight, at ang kakayahang makita ang iyong dapat gawin o patunguhan sa mga sitwasyong kakaharapin. Alternatively, ang flashlight sa panaginip ay maaaring nagsasaad din ng sexual activities.

Hinggil naman sa multo o white lady, ito’y nagre-represent ng mga bagay na hindi na kayang makamit o maabot. Nagsasabi rin ito na pakiwari mo ay disconnected ka sa iyong buhay at lipunan. Suriin o isipin kung ano ang gusto o pakay ng multo o kung ano ang hinahanap nito. Maaaring ang ganitong bungang-tulog ay nagsasabi rin sa iyo na mag-move-on na at iwanan ang iyong outdated modes of thinking at pati na ng pag-uugali. Kung ang nakita naman ay sarili mong multo, ito ay simbolo ng aspeto ng sarili na iyong kinatatakutan. Maaaring may kaugnayan dito ang painful memory, guilt, or some repressed thoughts. Maaari rin namang nagsasaad ito ng takot sa kamatayan at dying. Kapag naman naging multo ka sa panaginip, nagsasabi ito ng pagiging desperado na takasan ang ilang mga sitwasyon sa buhay. Kapag naman nakakita ng multo ng buhay pang kamag-anak o kaibigan, maaaring babala ito na may gawin sila sa iyong hindi maganda. Kung makakita ka naman ng multo ng iyong kaibigan o relative sa panaginip mo, may kaugnayan ito sa guilt and regrets hinggil sa past relationships with that particular person. Kung ang multo naman sa panaginip ay gusto kang patayin, nagsasaad ito na handa ka nang harapin ang iyong past at repressed emotions, kahit na gaano pa ito kasakit. Handa ka nang mag-move-on sa iyong buhay at kalimutan na ang mga nakalipas. Kung ang multo ay sinasakal ka, ito ay nagsasaad na ang ilang mga pangyayari sa nakalipas ay humahadlang sa pagpapahayag mo nang maayos sa iyong sarili.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

SM Prime 2

SM Prime at 30: A legacy of innovation and shared prosperity

Celebrating 30 Years of Transformative Growth: SM Prime Holdings Chairman Mr. Henry T. Sy, Jr. …

Kumu

SM Agency president ipinagmalaki ang Kumu: This is Filipino apps and we are definitely Filipino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WE’RE still here. We’re celebrating our 6th anniversary and we’re …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *