Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yassi Pressman, umangat ang career dahil sa Viva

ni James Ty III

050415 yassi pressman

DATING nakilala bilang “one of those starlets” ng GMA 7 si Yassi Pressman dahil hindi siya masyadong napansin noong nakakontrata siya sa estasyon.

Bukod sa pagsasayaw niya sa mga variety show ay hindi masyadong nabigyan ng exposure si Yassi at gumawa pa siya ng pelikulang Kaleidoscope World na nag-flop sa Metro Manila Film Festival noong 2012.

Ngunit nang kumalas si Yassi sa GMA at pumirma ng kontrata sa Viva Entertainment ay tila nagbago na ang ihip ng hangin dahil dumami na ang mga project niya sa TV at sa pelikula, bukod sa mga product endorsement niya.

Katunayan, dalawang teen movies ang ginawa ni Yassi sa Viva—ang Diary ng Panget at Talk Back And You’re Dead na parehong kasama sina James Reid at Nadine Lustre.

At napapanood siya halos araw-araw bilang VJ ng MTV Pinoy na talagang mas gusto niyang gawin dahil mahilig siya sa musika at pagsasayaw.

Noong isang araw ay inilunsad si Yassi bilang endorser ng isang sikat na pizza at personal siyang dumalaw sa mga mall upang magbigay ng libreng pizza sa fans, bukod sa nais magpakuha ng retrato sa kanya.

“At least, now that I’m with Viva, I’m happy that I’m getting a lot of projects like this endorsement deal and commercial, aside from MTV which Viva is helping promote in the Philippines,” ayon kay Yassi nang makausap namin siya sa isang mall. ”I also get to appear on other channels.”

Katunayan, naging guest na si Yassi sa mga show ng ABS-CBN tulad ng ASAP 20 at Showtime habang sa TV5 naman ay nagpakitang-gilas siya sa pagsasayaw sa Move It: Clash of the Streetdancers kasama si Jasmine Curtis-Smith at sa Wattpad Presents.

Isinu-shooting ngayon ni Yassi ang bagong movie niyang Girlfriend for Hire ng Viva Films kasama ang mga kapwa niyang MTV VJs na sina Andre Paras at Katarina Rodriguez na dating finalist ng Asia’s Next Top Model.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …