Tuesday , July 8 2025

Ops ni Cam vs De Lima itinanggi ni Lacson

MARIIING itinanggi ni dating senador at ngayon ay rehab czar Panfilo “Ping” Lacson ang mga balitang siya ang nasa likod ng aksyon ni Whistleblowers Association president Sandra Cam laban kay Justice Sec. Leila de Lima.

Magugunitang si Cam ang isa sa mga nagsumite ng oposisyon sa Commission on Appointments (CA) laban kay De Lima upang harangin ang pagkompirma sa kalihim bilang DoJ chief.

Nagbanta si Cam na ilalabas ang aniya’y kopya ng “sex video” ni De Lima kapag pinalusot ng CA ang kalihim, ngunit kalaunan ay nakompirma rin ang appointment ng DoJ secretary.

Ayon kay Lacson, hindi sila nagkakausap ni Cam kaya malabong siya ang utak sa paglitaw ng whistleblower.

Wala rin aniya siya ang dahilan para atakehin si De Lima dahil maayos na ang kanilang samahan, bilang kapwa miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ngunit may hinala si Lacson sa posibleng nasa likod ni Cam, ngunit hindi na niya ito isiniwalat. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NBI MAG-ASAWA ARESTADO SA KASONG EXTORTION Lalaki nagpanggap na NPA

MAG-ASAWA ARESTADO SA KASONG EXTORTION
Lalaki nagpanggap na NPA

HALOS pitong taon naging biktima ng protection racket at extortion ang isang negosyanteng taga-Caloocan City …

Luis Manzano Vilma Santos

Luis tutulong sa  non-civic project ni Vilma

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA ilang shows na inialok kay Luis Manzano na gustong balikan, ang Rainbow Rumble ang …

Roselio Troy Balbacal

Actor/model Roselio Troy Balbacal nanumpa  

MATABILni John Fontanilla NANUMPA na ang mga bagong-halal na opisyal ng bayan ng Tuy, Batangas …

Oreta seremonyal na nanumpa bilang kinatawan ng Malabon

MALABON CITY — Opisyal nang nanumpa bilang kinatawan ng Lone District ng Malabon si Congressman …

Las Piñas educational assistance

Sa ilalim ng 2025 educational assistance program
Las Piñas LGU namahagi ng school supplies para sa 850 estudyante

NAMAHAGI ng educational assistance ang Las Piñas City Government sa pamamagitan ng City Social Welfare …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *