HANGGANG may mga taong nangangarap ng magandang buhay sa pagtatrabaho sa ibang bansa, hindi matitigil ang illegal recruitment.
Bagamat mara-ming sinusuwerte sa pagtatrabaho sa ibang bansa, libo-libo naman ang nabibiktima ng mga manlolokong recruiter na nangangakong bibig-yang katuparan ang kanilang mga pangarap sa kabila ng umiiral na Republic Act 8042 o ang inamyendahang Migrant Workers Act of 1995. Wala pa rin silang takot sa nasabing batas, na pinaniniwalaan ng marami na naglagay, maging sa mga lehitimong recruiter, sa kaparehong ka-tegorya ng illegals.
Silang nagsasamantala sa pangarap ng iba ay nananabotahe sa ekonomiya, wala silang ipi-nagkaiba sa mga nagtutulak ng droga.
***
Wala nang mas masahol pa sa mga recruiter na nangongolekta ng napakalaking placement fee at pinababayaang makalabas ng bansa ang kanilang mga biktima gamit ang pekeng travel papers patungo sa trabahong peke rin naman.
At 90 porsiyento ng mga nabibiktima rito ay nahaharang sa airport gaya ng mga pangkaraniwang kriminal at pinasasakay na susunod na biyahe ng eroplano para bumalik sa pinanggalingan.
Walang kapatawaran ang trauma ng karanasang ito. Imadyinin n’yo na lang ang pagbiyahe sa ibang bansa habang inaasam na roon matutupad ang pinapangarap. Bukod pa siyempre ang mga planong binuo kasama ang mga mahal sa buhay, ang kabi-kabilang despedida at inuman ng mga kaanak at kaibigan. Ang ‘sang-katutak’ na bilin at pasalubong na hindi na dara-ting. Dapat na patayuin nang nakahilera sa pa-der ang mga illegal recruiter bago isa-isang pagbabarilin habang nanonood ang kanilang mga biktima para lang maturuan sila ng leksiyon.
Isang dahilan na nagbubunsod sa talamak na illegal recruitment ay ang paghihigpit sa mga polisiya ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA), na masasabing imposible namang maipatupad. Ang mga estriktong regulas-yong ito ang nagtutulak sa mga naghahanap ng trabaho para piliin ang mas madaling paraan na iniaalok ng “illegal.”
Dapat maging makatotohanan ang Department of Labor and Employment. Luwagan naman sana ang pagpoproseso sa mga dokumento ng mga nais magtrabaho sa ibang bansa.
Puwede na natin kalimutan ang pagtatrabaho sa ibang bansa kung mayroon na tayong alternatibong hanapbuhay para sa kanila dito sa bansa.
Sa ngayon, dapat lang ituloy ang mga kinakailangang reporma bilang tanging gobyerno sa Asia na, nakalulungkot mang isipin, ay bahagi na ng pambansang polisiya ang labor export.
***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.
Robert B. Roque, Jr.