Friday , November 1 2024

Biting the bullet

INIULAT ng Bureau of Customs (BoC) na tumaas ang kita nila nang 19.26 porsiyento mula Nobyembre noong nakaraang taon hanggang nitong Enero, dahil na rin sa reform program na isinusulong ni Pangulong Aquino.

Pero mukhang medyo napaaga ang pahayag na ito ng Customs. Ngayong buwan lang kasi ay nag-ulat ang kawanihan ng pagbaba ng koleksiyon nitong Pebrero.

Pero ang nakatatawa rito, numero unong sinisisi ng ahensiya ang truck ban na ipinatupad ng Manila City Hall noong huling linggo ng Pebrero. Hindi nito ikinonsidera ang programa sa reporma ni PNoy—na ang mga tinatawag na “players” at importers na sangkot sa pagpapababa ng presyo ng kargamento at technical smuggling ay nagtigil-operasyon. Nangangahulugan ito ng mas kakaunting imports at, siyempre pa, mas kakaunting revenue collection para sa Customs.

Minsan nang na-quote si Customs Commissioner John Phillip Sevilla: “One of the key performance indicators for the reform’s success is the improvement in its cash collections.”

Ibig bang sabihin nito ang pananamlay ng koleksiyon ay hindi nagpapatunay sa tagumpay ng reporma?

***

Labimpitong port ang nag-ulat ng pagbaba ng koleksiyon. Tatlo rito ay nasa Maynila. Ano naman kaya ang palusot ng Customs sa 14 pang port na nasa labas ng Metro Manila?

***

Dapat na itong makasanayan ng gobyerno. Ang pananamlay na ito ng koleksiyon ay siguradong makaaapekto sa pagpopondo sa mga short-term project ng gobyerno, gayundin sa paghahanda sa gagastusin ng mga kaalyado ng Pangulo sa 2016 elections.

Sooner or later ay dapat nang magdesisyon ang Administrasyon ni PNoy. Iyon ay kung tatanggapin na lang niya ang mga konsekuwensiya at ipagpapatuloy ang nasimulang reporma o kung bahagyang magluluwag para hayaang pumasok ang kita.

***

At pinag-uusapan na rin ang reporma, dapat sigurong tutukan ng BoC ang smuggling activities sa Zambales.

Noong Pebrero 6, inilahad ng kolum na ito ang mga ulat tungkol sa mga imported item, karamihan ay tela, na ipinupuslit sa bansa ng isang sindikato sa pagdaan sa mga daungan sa Masinloc.

Mistulang naalarma sa pagkakabunyag ng media, sinabi ng aking mga espiya na inilipat na ng sindikato ang operasyon nila sa Subic, na nasa Zambales din.

Estratehiya ng smuggling ring ang ilusot ang mga kargamento bilang export na chromite na tinanggihan ng China dahil sa mababang kalidad at ibinalik sa pinagmulan. Sa kalagitnaan ng dagat, itatapon sa tubig ang laman ng kargamento at papalitan ng smuggled items.

Noong huling bahagi ng nakaraang taon, ipinuslit ng mga smuggler papasok ng bansa ang ilang container ng power generator.

Puwedeng mag-usisa ang BoC sa isang opisyal sa probinsiya na kilala bilang “Domeng” at sa isang dating mayor na may pangalang “JE” upang maliwanagan ang ilegal na negosyong ito.

***

Puwede rin magtanong ang Department of Environment and Natural Resources kay “Domeng,” sa isang opisyal sa Botolan at sa isang negosyante na tawagin nating si “Marfori” kung bakit nagpapatuloy ang ilegal na pagmimina sa probinsiya.

Ayon sa mga residente, ang black sand mining operation ng kompanyang tinatawag na Blue Max sa baybayin ng Barangay Porac sa Botolan ang naging dahilan sa pagdausdos ng pampang na nakapeperhuwisyo sa paghahanapbuhay ng maliliit na mangingisda.

Ang malala pa nito, batay sa salaysay ng mga residente sa Firing Line, dahil sa tatlong beses kada linggong operasyon ng kompanya ay nangitim at nagputik na ang tubig sa dagat bunsod ng lantarang paglapastangan sa kalikasan.

Samantala, isa pang kompanya na tinatawag na Fahrenheit ang nagmimina naman ng coal ash, isang sangkap na ginagamit sa paggawa ng semento, sa Masinloc din.

Sinabi ng mga residente na parehong walang permit to operate mula sa gobyerno ang dalawang kompanya.

Kung totoo ang mga ulat na ito, dapat magpakita ng kahit na barangay permit lang o Environmental Clearance Certificate mula sa DENR ang Blue Max at Fahrenheit.

Ayon sa aking mga source, kumikita nang hindi bababa sa P1 bilyon ang ilegal na pagmimina sa probinsiya. Akalain n’yo ‘yun?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

PNP PRO3

PRO3 PNP hanang-handa na sa ikinasang seguridad para sa Undas

PINAKILOS ni PRO3 Regional Director P/BGen. Redrico Maranan ang kaniyang matataas na opisyal upang personal …

Knife Blood

Ama patay sa saksak ng anak na ‘high’ sa bato

LULONG sa ‘bato’ ang sinabing dahilan kung bakit sinaksak ang ama ng kaniyang sariling anak …

boc customs china mackerel

P178.5-M Smuggled Mackerel mula Tsina naharang ng BoC

PINIGIL ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang 21 container na naglalaman ng …

Larena Siquijor

Larena, Siquijor budget officer, 5 BAC members, suspendido ex-mayor kasama sa inireklamo

PINATAWAN ng isang taong suspensiyon ng Office of the Ombudsman Visayas ang municipal budget officer …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *