Sunday , March 16 2025

Apat bagyo pa sa Disyembre —Pagasa

Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magiging maganda ang panahon sa mga susunod na araw.

“Wala pang nakikitang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) at asahan po natin na sa susunod na tatlo hanggang apat na araw makararanas tayo ng mainit na panahon at may pulo-pulong pag-ulan lang sa bandang hapon,” ani Connie Rose Dadivas, weather forecaster.

Aniya, northeast monsoon o Amihan  ang nakaaapekto sa Hilaga at Gitnang Luzon.

Ang mga rehiyon ng Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley at Gitnang Luzon ay makararanas ng maulap na papawirin na may pag-ulan, habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay bahagyang maulap hanggang may pulo-pulo at mahinang pag-ulan.

Ang natitirang bahagi ng bansa naman ay magkakaroon ng bahagya hanggang maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan.

Gayon man, sinabi ni Dadivas na may binabantayan silang cloud cluster sa labas ng PAR na posibleng maging LPA.

Sakaling maging bagyo at pumasok sa bansa, “Halos pareho lang din ng track ni Yolanda (ang tatahakin nito),” ani Dadivas.

Ngayon buwan, dalawang bagyo pa ang inaasahan ng PAGASA at isa hanggang dalawa naman ang posibleng pumasok sa Disyembre.

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

Higit P1.2-M shabu nasamsam, 2 armadong tulak tiklo sa Bulacan

SA KAMPANYA laban sa ilegal na droga at baril, naaresto ng pulisya ang dalawang hinihinalang …

Antonio Carpio Sara Duterte Chiz Escudero

Carpio kay Chiz  
EBIDENSIYA PROTEKSIYONAN VS VP SARA

Antonio CarpioSara Duterte Chiz EscuderoKASUNOD ng panawagan ng 1 Sambayan na simulan  ng Senado ang …

031325 Hataw Frontpage

FPRRD ‘di biktima, kundi mga pinatay sa war on drugs — Solons

ni GERRY BALDO NANAWAGAN sa publiko ang dalawang lider ng Quad Committee ng Kamara kahapon, …

Robin Padilla Rodrigo Duterte Bong Go Philip Salvador

Robin mapanindigan kayang samahan si Digong?;  Ipe emosyonal

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang nahahati ang showbiz world nang dahil sa mga …

TRABAHO Partylist nanawagan nang mas malawak na PWD inclusivity sa trabaho

TRABAHO Partylist nanawagan nang mas malawak na PWD inclusivity sa trabaho

BILANG tugon sa mga hamon na kinakaharap ng persons with disabilities (PWDs) sa paghahanap ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *