Wednesday , April 23 2025

‘Holdaper’ utas sa bugbog ng pasahero

PATAY ang hindi pa nakikilalang lalaki na pinaghinalaang holdaper matapos bugbugin ng  mga pasahero ng jeep na kanyang biniktima sa Pasay City kamakalawa ng madaling araw.

Nadala pa sa Pasay City General Hospital ang biktimang nasa pagitan ng 30 hanggang 35 anyos, katamtaman ang katawan, mahaba ang buhok, nakasuot ng makulay na t-shirt at maong na pantalon, na namatay habang nilalapatan ng lunas ng mga doktor.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay police, nangyari ang insidente dakong 1:15 ng madaling araw, sa kanto ng Cabrera at EDSA, at nasaksihan ng mga testigong sina Roderick Austria at Reynaldo Gatchalian, kapwa tricycle driver at residente sa lugar.

Ani Austria sa pulisya, nakita niya ang limang lalaki na bumaba sa isang pampasaherong jeepney at sumisigaw ng “Holdaper ka!” bago pinagtulungang bugbugin ang hinabol na lalaki. Ani Austria, naglakad palayo patungo sa Cabrera Street ang limang lalaki nang makitang duguan at nakahandusay na ang biktima sa kalsada. Nakuha ng pulisya sa biktima ang isang replica ng kalibre .38 revolver na may anim na bala na nakasukbit sa kanyang baywang.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

3 Bulacan MWPs inihoyo

NASAKOTE ang tatlong indibiduwal na nakatalang pawang mga most wanted persons (MWPs), kabilang ang number …

MV Hong Hai 16 PCG

Sa tumaob na barko sa Mindoro Occidental
2 katawan natagpuan, 2 nawawala pa rin

NAREKOBER ng mga awtoridad ang dalawang karagdagang mga katawan nitong Linggo ng Pagkabuhay, 20 Abril, …

P45-M illegal diaper plaridel bulacan

Sa Plaridel, Bulacan
P45-M ilegal na diaper nasabat 

NASAMSAM ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kontra ilegal na kalakal, …

Dead Road Accident

Sa Bacolod
Disgrasya sa prusisyon ng Biyernes Santo lider ng mga Layko, 2 pa patay

IPINAGLULUKSA ng Diyosesis ng Bacolod ang pagpanaw ng isang lider ng mga layko at dalawang …

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *