Friday , June 2 2023

Next Customs IEG chief ‘bata’ ng rice cartel, smuggler na si David Tan (Appointment nilalakad ng padrinong Senador at Presidential kin)

NASA pintuan lang ng Palasyo ang hinahanap na salarin sa paglobo ng presyo ng bigas bunsod ng artipisyal na krisis na nilikha ng rice cartel na protektado nito.

Kinompirma ito ng isang source na nagsabing, isang malapit kay Pangulong Benigno Aquino III ang nagkakanlong sa rice smuggling syndicate ni David “Bata” Tan at nagmamaniobra ngayon sa rigodon sa Bureau of Customs (BOC) upang maipuwesto bilang deputy commissioner for intelligence and enforcement  group.

Aniya, ito ang dahilan kaya naudlot ang paghirang kay retired Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of Staff Gen. Jesse Dellosa bilang kapalit ng nagbitiw na si (ret.) Gen. Danilo Lim sa Customs.

Nais umano ng grupo na masungkit ng alipores nilang dating opisyal ng Food Terminal Inc. (FTI) noong administrasyong Arroyo ang ibinakanteng puwesto ni Lim dahil kabisado na niya ang pasikot-sikot sa pagpupuslit ng pagkain, lalo na ng bigas, para umarangkada nang husto ang rice smuggling operations nila.

Bukod kay Tan at malapit kay Pangulong Aquino, isang senador din ang nagsisilbing padrino ng ex-FTI official kaya bumitiw na siya sa kanyang tungkulin sa Office of Civil Defense (OCD) para paghandaan ang pag-upo sa Aduana.

Ang naturang senador umano ang tinutukoy ni Sen. Loren Legarda na nagpakana nang pagsisiwalat ng mga bahay ng senadora sa Makati City at US na hindi raw idineklara sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth.

Kahit nakikipaggirian pa ang kanyang mga “ninong” sa Malakanyang para makapuwesto siya sa Customs ay bongga na ang naging pagdiriwang ng kaarawan ng nasabing opisyal kamakailan sa isang KTV bar sa Quezon City na pagmamay-ari ni Tan.

Hindi siya napabilang sa mga nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) Class ’87 pero kasali siya sa mga nagpayaman noong adminitrasyong Arroyo sa FTI, sa tulong ni Tan, kaya nakapagpundar ng mga kayamanan, kabilang ang koleksiyon ng mga bagong sasakyan, ilan dito ang bagong Toyota Land Cruiser at Mitsubishi Pajero.

Kapag naging 2nd highest BOC official siya, tiyak na lalong lalarga ang rice smuggling ni Tan at mapopondohan niya ang kandidatura ng senador sa 2016 elections. Kaya kahit tapos na ang termino ng administrasyong Aquino, tuloy ang ligaya ng rice cartel,” sabi pa ng source.

ni PERCY LAPID

About hataw tabloid

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *