Saturday , May 18 2024

News

Kaanak ni Dionix utas sa adik

UTAS ang kaanak ng konsehal ng Maynila, habang isa pa ang sugatan nang pagbabarilin ng sinasabing adik, kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila. Patay agad ang biktimang si Jaypee Polonan y Dionisio, bouncer, 28, pamangkin ni  Councilor Ernesto Dionisio, ng District 1, ng Building 24, Unit 36, Aroma Compound, Temporary Housing,Tondo. Naka-confine sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang …

Read More »

8 patay sa HIV/AIDS sa Negros Occidental

UMABOT sa walo katao ang namatay sa Negros Occidental bunsod ng human immunodeficiency virus Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV-AIDS) mula Enero hanggang Abril ngayong taon. Sinabi ni Dr. Enrique Grajales, hepe ng HIV-AIDS Core Team ng Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital (CLMMRH), tumaas din ang bilang ng mga bagong pasyente. Ayon kay Grajales, sa walong namatay, pito ang lalaki …

Read More »

5-anyos totoy utas sa bulate sa tiyan

NAMATAY ang isang 5-anyos batang lalaki sa Pototan, Iloilo bunsod ng intestinal parasitism o pagdami ng bulate sa tiyan na kumalat sa iba pang bahagi ng kanyang katawan. Ayon sa ulat, nitong Mayo 4 dinala ang biktimang si Jose Louvie Pareja, Jr., sa Western Visayas Medical Center mula sa Iloilo Provincial Hospital. Idinaraing ng bata ang labis na pananakit ng …

Read More »

Text scammer pa kinasuhan ng Globe (Marami pa ang kasunod …)

KAUGNAY sa kanilang pinaigting na kampanya laban sa text spam, isa pang kom-panya ang kinasuhan ng Globe Telecom sa National Telecommunications dahil sa pagpapadala ng unsolicited promotional text messages sa mga mobile customers nito. Ayon sa Globe, magsasampa pa sila ng katulad na kaso sa mga darating na araw laban sa mga kom-panyang sangkot sa  marketing activities sa pamamagitan ng …

Read More »

Nueva Ecija gov sabit sa pork

NAGBANTANG magsasagawa ng malawakang pagkilos ang mga magsasaka sa Nueva Ecija na tinaguriang rice granary matapos madawit sa pork barrel scam si Gov. Aurelio Umali. Sa inilabas na bagong sinumpaang salaysay ni Janet Lim-Napoles, kinompirma niya ang alegasyong sangkot sa fertilizer fund scam ang naturang opisyal. “Sa pamamagitan ni Maite Defensor, nagkaproyekto gamit ang pondo ni Cong. Umali sa DoTC …

Read More »

Sanggol, ina, 5 anak pa nalitson sa ‘Yolanda’ Tent City (Ping sinisi si Dinky)

Pito katao ang kompirmadong namatay nang masunog ang tinitirhang temporary tent shelter dahil sa natabig na gasera sa Costa Bravo, San Jose, Tacloban, pasado 12 a.m. kahapon. Ayo kay SFO2 Crispin Malibago ng Tacloban Bureau of Fire Protection, kabilang sa mga namatay ang limang bata, isang sanggol, at ang kanilang ina. Kinilala ang mga biktimang sina Kathleen Ocenar, 11; Justin …

Read More »

Mag-utol na paslit nalunod sa condo pool

NAMATAY ang magkapatid na babae at lalaki nang kapwa malunod habang naliligo sa swimming pool Muntinlupa City kamakalawa ng hapon sa . Dead-on-arrival sa Medical Center of Parañaque ang mga biktimang sina Stephanie Gayle Arellano, 7, estudyante, at Wayne Alfred Arellano, 4, ng No. 303 San Guillermo St., Putatan. Ayon kay Supt. Allan Nobleza, officer-in-charge ng Muntinlupa Police Station, bago …

Read More »

Pacquiao richest solon (P1.3-B deklarasyon sa SALN)

NANANATILING si Sarangani Rep. Manny Pacquiao ang pinakamayamang kongresista sa bansa ngayon. Base sa inilabas na summary ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) para sa taon 2013 ng Kamara mula sa 289 kongresista, si Pacquiao ang may pinakamalaking yaman na mahigit P1.345 billion, habang mayroon siyang P500 million liabilities. Pangalawa sa pinakamayamang kongresista si Ilocos Norte Rep. Imelda …

Read More »

3-day school week gusto ng DepEd/MMDA

LUMALAKI ang tsansang maipatupad ang 3-day school week sa ilang lugar sa Metro Manila. Ito ay makaraan magpahayag ng suporta ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pinag-aaralang 3-day school week. Ayon kay MMDA Chair Francis Tolentino, malaki ang maitutulong para mabawasan ang trapik sa Kamaynilaan. Sinabi ni Tolentino, ito ay mas maganda pa sa kanyang ipinanukala noong 4-day school …

Read More »

2 ABB-RPA dedbol sa tandem

NAMATAY ang dalawang hinihinalang dating lider ng Alex Boncayao Brigade-Revolutionary Proletarian Army (ABB-RPA) nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Alabang Public Market, Muntinlupa, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktimang si George Acero, 54 , alyas Ka George, namatay habang ginagamot sa Ospital ng Muntinlupa sanhi ng tatlong tama ng bala. Hindi pa batid ang kalibre ng baril habang ang kasamahan …

Read More »

Buntis na misis inagas sa kahahanap sa nang-iwan na mister

NALAGLAG ang dinadalang limang buwang sanggol ng isang ginang dahil sa paghahanap sa kanyang mister na nang-iwan sa kanya sa isang mall. Dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), ang ginang na kinilalang si Cristal Cristobal, 34 , para roon raspahin bago imbestigahan ng Manila Police District-Homicide Section kung kusang nalaglag o sinadya ng ginang. “Ang sabi ng doktor …

Read More »

Pinoy tinurbo binugbog ng 4 Saudi police (Sa gitna ng disyerto)

RIYADH – Kritikal ang kondisyon sa ospital ng isang Filipino worker makaraang gahasain, bugbugin at iwanan sa disyerto. Si “Mario,” hindi niya tunay na pangalan, ay nasa intensive care unit ng isang ospital sa Riyadh. Natagpuan siyang hubo’t hubad, bugbog-sarado at agaw-buhay umaga nitong Mayo 16. “Ako po ang unang naka-identify. Sa Facebook kasi may nag-post kung sino ang nakaka-kilala,” …

Read More »

Vitangcol sinibak ni PNoy (Sampid lang umano sa ‘inner circle’)

TULUYAN nang ‘inilaglag’ ni Pangulong Benigno Aquino III si Al Vitangcol bilang MRT-3 general manager. Ito ay nang kompirmahin na sinibak na ang opisyal na itinurong kasabwat ng kanyang ate at bayaw sa tangkang pangingikil ng $30-M sa isang Czech company para masungkit ang kontratang mag-supply ng bagong bagon sa MRT. “Out of curiosity, sino sa inner circle ko si …

Read More »

Napoles ‘bumango’ sa publiko (PNoy duda na rin…)

MAGING si Pangulong Benigno Aquino III ay nalilito na rin kung bakit tila pinaniniwalaan na ang lahat ng sabihin ngayon ni pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles na dati-rati’y kinamumuhian ng publiko. “Dati parang kinamumuhian si Mrs. Napoles. Ngayon, ‘pag nagsalita ka parang totoong-totoo ang sinasabi, paano kaya nangyari iyon?” anang Pangulo kahapon. Duda ng Pangulo, may mga personalidad na …

Read More »

8 holdaper utas sa Cavite shootout

KINOMPIRMA ng Silang municipal police station na walong pinaghihinalaang mga holdaper ang napatay sa pakikisagupa sa mga pulis dakong 2 p.m. kahapon sa Brgy. Litlit, Silang, Cavite. Ayon kay Cavite Provincial Police director, S/Supt. Joselito Esquivel, siyam na mga suspek ang sakay ng apat na motorsiklo. Papasukin sana ng mga suspek ang isang hardware store sa Brgy. Litlit dakong 1:30 …

Read More »

‘Sumabit’ sa lespu burger crew tinarakan ng tatay ng anak

TODAS  ang 20-anyos crew ng Burger Machine nang saksakin ng dating ka-live in, nang maaktohang pinapaypayan ng karelasyon niyang pulis sa Mariones, Maynila, iniulat kahapon. Kinilala ang biktimang si Jerica Sioco, ng B-5 Bonifacio Street, Magsaysay Village, Tondo. Sa ulat ng pulisya, namatay si Sioco habang  nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Medical Center, sanhi ng   pitongsaksak sa katawan. …

Read More »

Empleyado dinukot, tinortyur ng tycoon

PINADALHAN ng subpoena ng Department of Justice (DoJ) si billionaire businessman Roberto Ongpin para sa preliminary investigation hinggil sa sinasabing “psychological torture” sa kanyang dating empleyado. Sa subpoena na inisyu ni Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, si Ongpin, chairman ng Alphaland Corporation, ay inutusang dumalo sa imbestigasyon ng DoJ sa Hunyo 9 dakong 2 p.m. Iniutos din kay Ongpin …

Read More »

2 dalagita biniyak ng 2 textmate (Nagtiwala sa bagong kakilala)

CAMP OLIVAS, Pampanga – “ ‘Wag kayong magsusumbong sa inyong magulang kundi reresbakan ko kayo,” ito ang banta sa dalawang dalagitang ginahasa ng dalawang lalaking kanilang textmate kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Agustin, bayan ng San Simon, sa nabanggit na lalawigan. Base sa ulat ni Chief Insp. Michael Jhon Riego, hepe ng San Simon Police, sa tanggapan ni Senior …

Read More »

2 tulak tigbak sa parak

PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher makaraan makasagupa ang mga operatiba ng QCPD District Anti-Illegal Drugs sa buy-bust operation sa Katarungan St., Brgy. Commonwealth, Quezon City kahapon ng madaling-araw. (ALEX MENDOZA) PATAY agad ang dalawang hinihinalang drug pusher makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa Barangay Commonwealth, Quezon City, kahapon ng madaling araw. Sa ulat …

Read More »

Utak ng criminal syndicate sa Antipolo, “kakanta na”

Handa nang kumanta ang sinasabing utak ng land grabbing syndicate sa Cogeo, Antipolo City upang kilalanin kung sino-sino ang mga retiradong opisyal ng pulisya ang nagbibigay sa kanya ng proteksiyon pati sa kanyang pagbebenta ng ilegal na droga sa lungsod. Ayon sa opisyal ng Pagrai Homeowners Association & Alliance na si Joel Abelende, nagtatago ngayon si dating major Romulo Manzanas …

Read More »

Pinoy tinurbo binugbog ng 4 Saudi police (Sa gitna ng disyerto)

RIYADH – Kritikal ang kondisyon sa ospital ng isang Filipino worker makaraang gahasain, bugbugin at iwanan sa disyerto. Si “Mario,” hindi niya tunay na pangalan, ay nasa intensive care unit ng isang ospital sa Riyadh. Natagpuan siyang hubo’t hubad, bugbog-sarado at agaw-buhay umaga nitong Mayo 16. “Ako po ang unang naka-identify. Sa Facebook kasi may nag-post kung sino ang nakaka-kilala,” …

Read More »

4 MPD officials sinibak ni General (Sa lotteng bookies ni Boy Abang)

DALAWANG station commander kasama ang dalawang hepe ng PCP ang sinibak sa puwesto ni Manila Police Director (MPD) director, Chief Supt. Rolando Asuncion. Sa panayam kay Asuncion kahapon, kabilang sa mga tinanggal sa tungkulin sina  Supt. Julius Añonuevo ng MPD Station 1 at si Supt. Rolando Opriasa ng MPD Station 10. Bukod sa dalawa, kasama rin sa sinibak sina Insp. …

Read More »

Vitangcol sinibak ni PNoy (Sampid lang umano sa ‘inner circle’)

TULUYAN nang ‘inilaglag’ ni Pangulong Benigno Aquino III si Al Vitangcol bilang MRT-3 general manager. Ito ay nang kompirmahin na sinibak na ang opisyal na itinurong kasabwat ng kanyang ate at bayaw sa tangkang pangingikil ng $30-M sa isang Czech company para masungkit ang kontratang mag-supply ng bagong bagon sa MRT. “Out of curiosity, sino sa inner circle ko si …

Read More »

Napoles ‘bumango’ sa publiko (PNoy duda na rin…)

MAGING si Pangulong Benigno Aquino III ay nalilito na rin kung bakit tila pinaniniwalaan na ang lahat ng sabihin ngayon ni pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles na dati-rati’y kinamumuhian ng publiko. “Dati parang kinamumuhian si Mrs. Napoles. Ngayon, ‘pag nagsalita ka parang totoong-totoo ang sinasabi, paano kaya nangyari iyon?” anang Pangulo kahapon. Duda ng Pangulo, may mga personalidad na …

Read More »