Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lala, nagka-trauma sa bashers kaya takot manood ng Hustisya

081114 marion lala nora aunor

ni Alex Datu

NAGPASABI pala si Lala Aunor kay Ian De Leon na samahan siyang panoorin ang Hustisyana kasalukuyang dinaragsa ngayon ng mga manonood sa Cultural Center of the Philippines bilang isa sa entry sa 10th Cinemalaya sa taong ito.

Inamin nitong nagkaroon na siya ng trauma sa kanyang bashers kaya gusto nitong samahan siya ni Ian dahil tiyak madedepensahan siya kung gagawan siya ng hindi maganda. Nabalitaan kasi nito na muling ibinigay ng Superstar ang kanyang alas sa pag-arte kaya tiyak aani na naman ito ng kaliwa’t kanang karangalan.

Kaya lang ang problema, may pinagkakaabalahan ngayon ang aktor kaya hindi siya masamahan.

Kinuha namin ang kanyang panig tungkol sa hindi pagkahirang ni Nora bilang National Artist at inamin nitong sobra siyang na-disappoint. Tulad ng kanyang anak na si Marion Aunor na kasama niya ng mga sandaling ‘yun, ”Parang weird.  Kasi, ano ba talaga ang qualifications para maging National Artist? Kailangan bang isama ang personal life o talagang ‘yung achievements lang as an artist. So, ‘yon lang talaga ang nasa mind ko noon kung ano ang basis for not giving it to her,” pahayag nito.

Ayon kay Lala, kasama nito ang kanyang inang si Mamay Belen na sinuportahan ang Superstar noong nasa Korte ng America, ”Actually, kami ang kasama noon ni Nora, naroon kami ng Mama ko at kaibigan niya. Wala naman talaga siyang kasalanan eh. Kumbaga, nag-community service lang siya, ‘di ba nagpa-drug test pa siya eh, negative naman.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …