Mga nabigyan ng tulong ni Marian naglabasan 

Marian Rivera

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAGLABASANG bigla ang natulungan ni Marian Rivera nitong nakaraang araw.

Isa na riyan ang veteran actress na si Odette Khan na noong makita ni Marian sa Kapuso Mo Jessica Soho last Sunday, todo pasasalamat sa GMA Primetime Queen na kung hindi dahil sa tulong niya eh wala na siya.

Ang director ni Yan sa Balota na si Kip Oebanda, inilabas din na isang araw na talent fee lang ang siningil. ‘Yung extra ay ibinigay sa production staff at isang education foundation.

Tahimik si Marian sa pagtulong at isa itong ugali niya na maaalala ng tao.

Anyway, swak ito sa movie nila ni Dong na Remember na showing na ngayon.