MA at PA
ni Rommel Placente
Super close sina Kyle Echarri at Darren Espanto. Grabe rin kung mag-asaran ang dalawa lalo na kung magkasama sa isang dressing room.
Feeling ni Darren, hindi sila puwedeng magsama sa series of shows abroad, dahil baka makansela ang ibang araw. Minsan ay nagkakapikunan daw sila sa mga side comment.
Sa tanong kay Kyle kung ano ang pinakagusto niya kay Darren bilang kaibigan, ang sagot niya, ”Pinakagusto ko sa kanya, honest siya.
“Siya ‘yung klase ng kaibigan na talagang magsasabi sa ‘yo kung mali ka o tama.
“He’s always very honest with what he says. And also, sobra siyang mapagbigay. Ang hilig niyang manlibre. Very generous,” papuri pa ni Kyle sa kaibigan.
Nang tanungin naman kung ano ang hindi niya gusto kay Darren, ang sabi niya, “I don’t think ayaw ko sa kanya. He wouldn’t be Darren if he wasn’t alaskador.
“At alam niya ‘yun. Ginagawa niya on purpose,” natatawang pahayag pa ni Kyle.
