MATABIL
ni John Fontanilla
MULA sa pagiging atleta ay pinasok na rin ng panganay na anak ng aktor na si Dennis Trillo na si Calix Ho ang mundo ng showbiz.
Ang Aguila (Artists) Entertainment ni Becky Aguila ang hahawak sa showbiz career ni Calix na siya ring management ng kanyang amang si Dennis at step mom na si Jennylyn Mercado.
Post ng Aguila Entertainment, “Welcome to the fam @_calixandreass
“Just like his father Dennis Trillo, Calix wants to start off his showbiz career by doing commercials and working with brands for KOL engagements. The 19 year old UAAP Rookie of the Year for fencing is also open to doing projects for television and film.”
Marami ngang mga faney ang umaasang mapapanood nilang magkasama ang mag-ama sa isang teleserye o pelikula.
