Lala, nagka-trauma sa bashers kaya takot manood ng Hustisya
ni Alex Datu
[divider]
NAGPASABI pala si Lala Aunor kay Ian De Leon na samahan siyang panoorin ang Hustisyana kasalukuyang dinaragsa ngayon ng mga manonood sa Cultural Center of the Philippines bilang isa sa entry sa 10th Cinemalaya sa taong ito.
Inamin nitong nagkaroon na siya ng trauma sa kanyang bashers kaya gusto nitong samahan siya ni Ian dahil tiyak madedepensahan siya kung gagawan siya ng hindi maganda. Nabalitaan kasi nito na muling ibinigay ng Superstar ang kanyang alas sa pag-arte kaya tiyak aani na naman ito ng kaliwaโt kanang karangalan.
Kaya lang ang problema, may pinagkakaabalahan ngayon ang aktor kaya hindi siya masamahan.
Kinuha namin ang kanyang panig tungkol sa hindi pagkahirang ni Nora bilang National Artist at inamin nitong sobra siyang na-disappoint. Tulad ng kanyang anak na si Marion Aunor na kasama niya ng mga sandaling โyun, โParang weird.ย Kasi, ano ba talaga ang qualifications para maging National Artist? Kailangan bang isama ang personal life o talagang โyung achievements lang as an artist. So, โyon lang talaga ang nasa mind ko noon kung ano ang basis for not giving it to her,โ pahayag nito.
Ayon kay Lala, kasama nito ang kanyang inang si Mamay Belen na sinuportahan ang Superstar noong nasa Korte ng America, โActually, kami ang kasama noon ni Nora, naroon kami ng Mama ko at kaibigan niya. Wala naman talaga siyang kasalanan eh. Kumbaga, nag-community service lang siya, โdi ba nagpa-drug test pa siya eh, negative naman.โ

