Dr. Rahm Dagdag kinilalang Best Skincare Formulator for PDRN Product sa Japan, dream endorser si Kathryn Bernardo

Kathryn Bernardo Dr Mary Rose Rahm Dagdag ZY Shop Worldwide Company ZY BioScience Corporation

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISANG malaking karangalan para sa industriya ng pagpapaganda at kosmetiko sa Filipinas ang iniulat na pagkilala kay Dr. Mary Rose ‘Rahm’ Dagdag bilang Best Skincare Formulator for PDRN Product sa prestihiyosong 22nd Japan Bioformulation 2026.

Si Dr. Rahm ay isang Filipina cosmetic chemist, skincare formulator, entrepreneur, at Founder at Chief Executive Officer ng ZY Shop Worldwide Company at ZY BioScience Corporation. Ang naturang pagkilala ay isa na namang mahalagang yugto sa mahigit isang dekadang paglalakbay niya sa mundo ng negosyo, cosmetic science, at skincare innovation.

Mula Filipinas hanggang Japan, patuloy na ipinagmamalaki ang talento at husay ng Pinay sa mundo ng skincare innovation!

Hindi biro ang larangan ng cosmetic formulation, lalo na sa patuloy na pag-usbong ng makabagong teknolohiya at mga sangkap na ginagamit sa skincare products. Isa sa mga pinagtuunan ng pansin ni Dr. Rahm ang Polydeoxyribonucleotide o PDRN, isang sangkap na pinag-aaralan sa larangan ng skin science at nagiging popular sa mga modernong skincare formulation.

Sa kanyang product development, pinagsasama ang PDRN at iba pang skincare ingredients gaya ng peptides, hyaluronic acid, niacinamide, at ceramides upang makabuo ng mga produktong nakatuon sa skin hydration, conditioning, at pagpapaganda ng hitsura ng balat.

Para kay Dr. Rahm, hindi lamang basta paggawa ng beauty products ang skincare formulation. Mahalaga rin ang siyensiya, pananaliksik, kalidad, at kaligtasan ng bawat produktong inilalabas sa merkado.

Bago ang kanyang mga tagumpay sa negosyo, nagsimula si Dr. Rahm sa isang simpleng pangarap: ang makapagtayo ng kompanyang hindi lamang kikita, kundi makatutulong sa ibang Filipinong gustong magkaroon ng sariling negosyo. Sa pamamagitan ng ZY Shop Worldwide Company, nabigyan ng pagkakataon ang mga aspiring entrepreneur na makapagsimula ng sariling skincare at cosmetics brand sa tulong ng private-label manufacturing, rebranding, at product development services.

Kabilang sa mga produktong kanilang dine-develop ang facial serums, beauty soaps, sunscreens, skincare creams, at iba pang cosmetic formulations. Samantala, sa pamamagitan naman ng ZY BioScience Corporation, patuloy sa pagsulong si Dr. Rahm sa layuning mapaunlad ang cosmetic research at formulation capabilities ng mga Filipino.

Para kay Dr. Rahm, ang pagkilalang ito ay hindi lamang personal na tagumpay kundi isang inspirasyon para sa mga kapwa Filipino.

Pahayag niya, “I have always believed that Filipino talent can compete on the global stage. We do not need to limit our dreams to what is familiar or comfortable. Through education, research, perseverance, and faith in God, we can create innovations that make our country proud.”

Nais ialay ni  Dr. Rahm ang tagumpay na ito sa lahat ng Filipino na patuloy na lumalaban para sa kanilang mga pangarap, lalo na sa mga nagsisimula pa lamang sa negosyo.

Sinong celebrity naman kaya ang dream niyang maging endorser?

Sambit ni Dr. Rahm, “If given a chance, gusto kong maging endorser si Kathryn Bernardo. Because aside from being a big star talaga and a good actress, Kathryn fits the morena skin in my formulation.”

Bukod sa pagiging negosyante at skincare formulator, kilala si Dr. Rahm sa adbokasiya niyang tulungan ang mga Pinoy na gustong matutong magnegosyo. Sa pamamagitan ng ZY Entrep Academy, isinusulong niya ang business education, entrepreneurship training, at pagbabahagi ng kaalaman ukol sa branding, marketing, at pagnenegosyo.

Hindi rin nawawala sa prayoridad niya ang pagtulong sa komunidad sa pamamagitan ng ZY Shop Foundation, na sumusuporta sa mga proyektong may layuning makatulong sa kapwa. Para sa kanya, mas nagiging makabuluhan ang tagumpay kapag nagagamit ito upang makapagbigay ng oportunidad at pag-asa sa ibang tao.

Sa kabila ng mga nakamit, hindi pa rito nagtatapos ang mga plano ni Dr. Rahm. Hangad niyang higit pang mapalawak ang skincare research, product innovation, at manufacturing capabilities sa Filipinas upang mas maraming Filipino-made beauty brands ang magkaroon ng pagkakataong makapasok sa international market.

Ang pagkilala sa kanya sa Japan ay nagsisilbing inspirasyon na ipagpatuloy ang misyon sa cosmetic science at entrepreneurship. Patunay ang kuwento ni Dr. Dagdag na ang talento, sipag, determinasyon, at pananampalataya ng isang Filipino ay maaaring maging daan upang maabot ang mga pangarap sa pandaigdigang entablado.

Mula sa pagiging isang Filipinang negosyante, hanggang sa ambisyon niyang maging kilalang skincare innovator sa buong mundo, patuloy niyang ipinapakita na walang maliit na pangarap para sa taong may malaking determinasyon.

Para sa Inquiries: ZY Shop Worldwide Company 29th Floor, High Street South Corporate Plaza Tower 2 Bonifacio Global City, Taguig, Metro Manila, Philippines Website: www.zyshop.net Contact: 0905 880 9339,