Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ayokong ibuhos ang buong pagmamahal ko sa BF ko, dapat magtira rin ako sa sarili ko — Mommy Dionisia

080314 DIONISIA PACQUIAO

ni Roland Lerum

BOYFRIEND na ni Mommy Dionisia Pacquiao si Michael na naging escort niya noong birthday party. Pero hindi muna niya ito ipinakilala sa kanyang mga anak.

Nahalata ito ni Manny at siya mismo ang nagsabi nito sa madla. Pero idinenay ito ni Mommy D. noon. Ngayon, umamin na siyang may boyfriend nga siya.

“Mabait kasi siya kaya na in-love ako sa kanya,” sabi ni Mommy D.

Hindi pa legal na hiwalay si Mommy D. sa una niyang asawa na tatay ni Manny. Gayunman, sabi niya, ”Ayokong ibuhos ang pagmamahal ko  ng buong-buo sa boyfriend ko ngayon. Kailangan, magtira rin ako ng kaunti para sa sarili ko.”

IBONG ADARNA, KINUNAN SA BIRHENG LUGAR NG ‘PINAS

HANGGANG ngayon, paborito pa ring kuwento ng Pinoy ang Ibong Adarna. Istorya ito ng isang prinsipe at dalawang kapatid na nakipagsapalaran para hanapin ang Ibong Adarna na lunas sa mahiwagang sakit ng kanyang ama.

Sa pelikula ni Jun Urbano, binago ang plot o buod ng istorya pero ganoon pa rin ang tinutumbok—paghanap sa Ibong Adarna para gumaling ang hari o sultan.

Ang pelikulang Ibong Adarna : The Pinoy Adventure ay tiyak na kalulugdan ng mga manonood, hindi lang sa makulay na eksena nito kundi sa paggamit na rin ng makabagong tekniko ng digital magic at HD (high definition) processes.

Impresibo ang cast sa pangunguna nina Rocco Nacino, Joel Torre, Angel Aquino, Leo Martinez, Benjie Paras, Ronnie Lazaro, at Lilia Cuntapay bilang mangkukulam na si Bruha.

Marami na ang gustong makapanood ng modernong Ibong Adarna na kinunan daw sa isang birheng lugar sa ‘Pinas. In-short, kaibig-ibig ang location at ang makulay na anyo ng ibong adarna. Pagmamalaki ni direk Jun.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …