Saturday , November 23 2024

Lola todas sa motorsiklo

BASAG ang bungo  ng isang lola makaraan masapol ng rumaragasang motorsiklo habang tumatawid sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si Alodia Uy, 78, ng Phase 7-B, Block 57, Lot 1, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod, sanhi ng pinsala sa ulo at katawan.

Habang kusang loob na sumuko ang suspek na si Marianito Icaro, 37, ng Phase 1, Package 4 ng nasabing barangay.

Batay sa ulat ni PO3 Michael Calora, dakong 7 a.m. nang maganap ang insidente sa Kanlaon St., Brgy. 176.

Tumatawid ang biktima nang masapol ng rumaragasang Kawasaki Barako (5802-GF) na minamaneho ng suspek dahilan upang tumilapon si Uy at nabagok ng ulo.

Napag-alaman, hindi na nagsampa ng kaso ang mga kaanak ng biktima nang bayaran ng suspek ang lahat ng mga nagastos sa pagkamatay ni Uy.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *