Tuesday , September 27 2022

Biktima ng snatching, 4-anyos nakaladkad ng motorsiklo

RIZAL – Tatlo ang sugatan makaraan makaladkad ng motorsiklo ng snatcher ang kanyang biktima at sumemplang ang nasabing sasakyan kamakalawa sa bayan ng Binangonan, lalawigan ng Rizal.

Kinilala ni Binangonan Police chief, ang biktimang sugatan na si Jenalyn Cenidoza, 23, may asawa, residente ng 1044 M. Oja Rd., Sitio Mambalon, Brgy. Mahabang, Parang ng nasabing bayan.

Sugatan din ang anak ni Cenidoza na si Marjun, 4-anyos, nang masubsob sa kalye dahil sa paghatak ng suspek na si Philip de Leon, 31, residente ng Brgy. Libis, sa shoulder bag ng ginang.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 10 p.m. sa National Road, Brgy. Mahabang Parang, Binangonan.

Naglalakad pauwi ang mag-ina nang biglang hablutin ng suspek na lulan ng motorsiklo, ang shoulder bag ng ginang.

Bagama’t nabigla ay hindi binitiwan ng ginang ang bag kaya siya ay nakaladkad at nawalan ng balanse ang motorsiklo at sumemplang.

Napansin ito ng mga bystander na hinabol at binugbog ang suspek bago dinala sa himpilan ng pulisya.

(MIKKO BAYLON)

About hataw tabloid

Check Also

arrest posas

Miyembro ng kilabot na criminal gang nasakote

ARESTADO ang isang hinihinalang miyembro ng kilabot na criminal gang na nakatala bilang isang high …

Angat Dam

Sa kabila ng patuloy na pag-ulan…
TUBIG SA ANGAT DAM BUMABABA PA RIN

SA kabila ng patuloy na pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig-lugar, patuloy na bumababa …

Bong Revilla Jr Lani Mercado

Sen Bong wala nang balak tumakbo sa mas mataas na posisyon

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “SA kanila na ang posisyon!” Ito ang iginiit ni Sen Bong Revilla nang …

Sta Maria Bulacan

Sa Sta.Maria, Bulacan…
2 PUSAKAL NA TULAK NASAKOTE

NAGWAKAS ang maliligayang araw ng dalawang hinihinalang tulak na responsable sa pagkakalat ng ilegal na …

pinuno ng pamahalaan Bulacan

Matibay at umaayon sa pagbabago <br> MGA PINUNO NG BULACAN, NAGKAISA SA PAGRESOLBA NG MGA ISYU NG LALAWIGAN

SA isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama ang mga pinuno ng pamahalaan sa Bulacan sa pangunguna nina …

Leave a Reply