Tuesday , June 16 2026
Dennis Trillo Calix Ho

Dennis sobra ang pasalamat anak na naaksidente maayos at mabuti na ang kalagayan

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAKALIPAS ang isang buwan mula noong maaksidente si Calix ay ibinahagi ni Dennis Trillo na nasa maayos at mabuting kalagyan na ang kanyang anak.

Sa awa ng Diyos wala namang masyadong masamang nangyari sa kanya except sa kaunting bruises at fracture sa kamay.

“Buti na lang ‘yung fracture niya sa kamay, hindi iyon ang ginagamit niya pang-fencing. ‘Yung kabilang kamay ‘yung na-injure.

“Pero malapit na ring tanggalin ‘yung cast niya and okay naman,” ayon kay Dennis mula sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.

Sinabi rin ni Dennis na tila isang himala ang pagkakaligtas ng anak at ayon pa rin sa Kapuso actor ay nagbigay siya ng paalala sa binatang anak.

Sabi ko sa kanya, ‘Napaka-importanteng magpasalamat ka sa bawat oras na ibinibigay sa iyo lalo na sa ganitong mga aksidente na alam mo ‘yun, wala masyadong napinsala, wala masyadong naabala. ‘At ikaw, lalo na siyempre ‘yung buhay mo, napaka-importante.’”

Sa nangyaring car accident last month ay total wreck o wasak na wasak ang kotseng minamaneho ni Calix.

Si Calix ay anak ni Dennis sa dati niyang karelasyon na si Carlene Aguilar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Sue Ramirez

Sue umaasang maibabalik maayos na kondisyon ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAGING emosyonal si Sue Ramirez nang mapag-usapan ang tungkol sa health condition …

Atty Vince Tañada Philstagers Theater Festival 

Theater Festival ng Philstagers matagumpay

HARD TALKni Pilar Mateo ANG entablado. Ni Atty. Vince Tañada. Tinawag na Philstagers (Philippine Stagers Foundation). National Mobile …

Puregold OPM Con Generations

Puregold’s OPM Con Generations dinagsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LALONG umigting ang pagkasabik sa OPM Con Generations ng Puregold noong Hunyo 12, nang sumugod …

Sue Ramirez Rico Blanco Project Baby

Rico natural umarte, kilig kay Sue bigay todo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PAK na pak at hindi mahirap bagayan nina Sue Ramirez at Rico Blanco ang isa’t …

Itanong Natin Kay Dok Larry Dr Lawrence Nubla Sembrano

Health advocacy show na “Itanong Natin Kay Dok Larry,” kaabang-abang

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGSISIMULA na ngayong June 13 ang health advocacy show na “Itanong Natin Kay Dok …