MATABIL
ni John Fontanilla
NAHIHILIG sa painting ang tinaguriang DJ of All Media at numero unong DJ sa bansa na si Papa Dudut ng Barangay Love Stories ng Barangay LSFM 97.1 at Barangay Love Stories sa TV ng GMA 7.
Katunayan ay isa ito sa dumalo sa matagumpay na painting exhibit na Mastermind Gallery by Joyce na ginanap last Nov. 8 at tatagal hangang Nov. 30sa Victory Tower, Timog QC.
Tampok ang mga artist na sina Caesario, Turs Simsuangco, Norma Beleza, Nelson Castillo, Raul Isidro, Juno Galang, Tam Austria, Caloy Gabuco, at Prudencio Lamarroza.
Ani Papa Dudut, “Mayroon na ako ng painting ni sir Raul Isidro, dalawa; isang sir Tam Austria; at bibilhin ko iyong isang Lamarroza na malaki. Kino-collect ko para sa mga anak ko.”
Dagdag pa nito, “Pamamana ko na sa kanila in the future, ‘yung mga paintings triple na presyo niyon soon dahil mga master itong mga ito.”
Bukod sa kinahihiligang pangongolekta ng mamahaling paintings ay masayang-masaya rin ito dahil bukod sa numero uno ang kanyang Baranggay Love Stories sa Barangay LSFM 97.1. from Monday to Sunday, 12nn to 2:00 p.m. ay mataas din ang ratings sa TV ng kanyang Barangay Love Stories sa GMA 7 na napapanood tuwing Sabado, 4:05 p.m..
