MATABIL
ni John Fontanilla
REVELATION ang beauty queen, singer, at ngayon ay isa na ring aktres na si Charina Carmen kung husay sa pag-arte ang pag-uusapan sa advocacy film na Titulada.
Hindi namin inakala na bukod sa pagiging beauty queen at mahusay na singer ay mahusay din pala itong umarte.
Saksi kami sa husay nito sa pag-arte nang maka-eksena namin, na kami mismo ay nadala at naiyak sa makatotohanang pagganap sa kanyang role.
Tiyak maraming makare-relate sa role na kanyang ginagampanan sa pelikula.
Bukod ka’y Charina ay kaabang-abang din sina Yvonne Lexie Valencerina, Dr. Casey Magne Dumlao, Angela Villanueva, Scarlet Chua, Atty. Clarie May Tamondong, Jenny Ortega, at Dr. Faye Tangonan.
Kasama rin sa pelikula sina Keanna Reeves, Dexter Doria, John DJ Janna Chu Chu Fontanilla, Oliver Kretz, DJ Dorano, Ivy Lucas, Darelle Tiu, Kayla, Ayesha, Julia Hailey, Irish Riley, Krystel, Stefanie Mora, Rhenz Dalton, Marcus, Rhenz Cyton, Evangeline Pascual, Raymond Villanueva, Cecille Bravo, Ara Mina, Patricia Javier, Toni Co, Luther John atbp..
