RATED R
ni Rommel Gonzales
MAKALIPAS ang isang buwan mula noong maaksidente si Calix ay ibinahagi ni Dennis Trillo na nasa maayos at mabuting kalagyan na ang kanyang anak.
“Sa awa ng Diyos wala namang masyadong masamang nangyari sa kanya except sa kaunting bruises at fracture sa kamay.
“Buti na lang ‘yung fracture niya sa kamay, hindi iyon ang ginagamit niya pang-fencing. ‘Yung kabilang kamay ‘yung na-injure.
“Pero malapit na ring tanggalin ‘yung cast niya and okay naman,” ayon kay Dennis mula sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.
Sinabi rin ni Dennis na tila isang himala ang pagkakaligtas ng anak at ayon pa rin sa Kapuso actor ay nagbigay siya ng paalala sa binatang anak.
“Sabi ko sa kanya, ‘Napaka-importanteng magpasalamat ka sa bawat oras na ibinibigay sa iyo lalo na sa ganitong mga aksidente na alam mo ‘yun, wala masyadong napinsala, wala masyadong naabala. ‘At ikaw, lalo na siyempre ‘yung buhay mo, napaka-importante.’”
Sa nangyaring car accident last month ay total wreck o wasak na wasak ang kotseng minamaneho ni Calix.
Si Calix ay anak ni Dennis sa dati niyang karelasyon na si Carlene Aguilar.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com