RATED R
ni Rommel Gonzales
NAGDALAWANG-ISIP pala si Sofia Pablo na sumali dati sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0.
Ang ka-loveteam niyang si Allen Ansay ang madalas nangungulit sa kanya na sumali sa naturang reality show.
“’Pag sinasabihan niya akong ‘Mag-yes ka na sa PBB’, nagagalit talaga ako na, ‘Hindi mo ako naiintindihan!'” kuwento ni Sofia sa latest episode ng Your Honor podcast.
In fact, tumanggi si Sofia noong una siyang alukin na sumali sa PBB.
“Natatakot ako kasi siyempre, hindi naman lahat ng nangyayari sa loob naeere.”
Isa sa mga kinatatakutan niya ay baka magkaroon ng video clips na ie-edit ng fans at maiba na ang dating ng tunay niyang ginawa o sinabi.
“Pangit pakinggan pero bad edits, tapos ma-upload sa Tiktok, tapos masira lang ako lalo. Spliced,”pahayag pa ng Sparkle female star.
“Lagi na akong naano sa ganyan, na fake issues. Tapos ilalapit ko ‘yung sarili ko sa show na makikita ako 24/7, tapos hindi ko alam ano kalalabasan.”
Nagbago naman kalaunan ang isip ni Sofia kaya sumali rin siya sa PBB at na-evict kasabay si Eliza Borromeo.
Ninety-nine days si Sofia sa loob ng bahay ni Kuya na sina Caprice Cayetano at Lella Ford ang itinanghal na Big Winners.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com