I-FLEX
ni Jun Nardo
BIGLANG ingay ang PBB housemate na si Jeo Ong. Natabunan ang unang pinag-usapan na si Calix Esguerra.
Nagdagdag pa ang cheating issue sa umano’y nakarelasyon niya.
Basta si Jelo, pumasok sa eksena ang ina at sinabing ipinaglihi ang anak sa Korean character na si Jumong.
Sa episode na nasilip namin last Saturday, pinamahalaan nina Wynwin Marquez at Mikee Quintos ang ginawang vertical drama. Sa episode na ‘yon, nakaramdam sila ng irita kay Calix nang ipamahala ang custody ng timer para makasunod sa time limit ng drama.
Natagalan bago nakita ang timer na naitabi ni Calix sa hindi niya alam na lugar at nakita lang ito ng isang housemate.
Nalalapit na ang unang eviction at namumuro sa candidates si Calix!
