I-FLEX
ni Jun Nardo
HALOS pagsakluban ng langit at lupa ang komedyanteng si Pooh nang matuklasang ang ilang vintage niyang singsing eh hindi pala P7-M ang halaga.
Eh isa pala si Pooh sa regular viewer kapag may live selling si Charo Cordial ng Maddox Jewelry. Pero hindi napapansin si Pooh na nagma-mine.
Kaya naman pumunta ang komedyante sa showroom ng Maddox sa Marikina City. Dinala rin niyan ang alahas para ipasuri.
Laking gulat ni Pooh nang sabihin sa kanya ni Charo na hindi umabot sa P7-M ang halaga ng investment niya sa mga ito.
Ayon kay Miss Charo, after dumaaan sa tester ang singsing, silver plating lang at hindi gold ang mga batong inakala niyang diamante. Zirconia lang umano at hindi tunay na diamonds.
Nanlumo si Pooh lalo na’t mula sa isang kaibigan ang pinag-ipunang singsing.
“Baka hindi ko alam ang nagawa ko, P7-M? Tapos ang tagal lang na natulog doon sa bahay kasi hindi naman ako pala-alahas!” sabi ni Pooh nang makachikahan ni Charo sa You Tube, Facebook at Tiktok ng Maddo_Jewelry.
Marami pang chika si Pooh tungkol sa lovelife at career kay Ms. Charo at marami rin kayong malalaman tungkol sa legit na alahas.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com