MATABIL
ni John Fontanilla
PINASAYA ng talent manager, producer, at composer na si Otek Lopez o mas kilala bilang Papa Otek sa showbiz, ang
mga batang lumalaban sa cancer.
Binisita ni Papa Otek kasama ang Barangay LSFM 97.1 DJ na si Mama Emma ang National Children’s Hospital at Little Ark Foundation na nagbigay-saya sa 200 kids sa pamamagitan ng dalang pagkain at pa-games.
Hindi nga naiwasang maluha at maging emosyonal ni Papa Otek sa ngiti at saya na nakita sa mga batang lumalaban sa cancer.
Nangako si Papa Otek na babalik siyang muli sa National Children’s Hospital at sa Little Ark Foundation para pasayahin ang mga ito.
Nagbigay din ng espesyal na awitin ang mahusay na singer na si Ari’el na alaga ni Papa Otek.
Ang Little Ark Foundation ay pinamamahalaan ni Butch Bustamante (Founder at President ng Little Ark Foundation).
Kaya naman sa mga gustong sumuporta sa mga bata sa Little Ark Foundation, puwede kayong tumawag at makipag-ugnayan sa numerong 09064044569 at hanapin si Butch.
