David Licauco sinita media na dumalo sa presscon

David Licauco

I-FLEX
ni Jun Nardo

WOW, may patalak na slight si David Licauco sa mediacon ng Viva One series na Fight For My Way.

Sinita ni David ang mga nagbi-video sa mediacon na ginanap sa Tektite Auditorium sa Pasig City. Matapos sa sagot niya, sinabi niyang hindi nakikinig ang mga tao at sa pagbi-video, busy!

Naku, out of touch kasi itong si David sa paraan ng media para makakuha ng balita. Hindi rin niya alam na may vloggers nang invited sa media con. Aba, pati fans nga eh may video ang kanilang camera, huh!

Palibhasa, hindi bread and butter ni David ang showbiz. More on negosyante siya kaysa artista! Kaya nga hindi siya sumikat-sikat nang todo dahil hindi showbiz ang priority niya.

Eh noong nasa ABS-CBN pa siya, wala siyang career! Ang GMA lang ang sumugal sa kanya!

Eh kaso, naging short lived lang ang fame niya. Hindi niya kasi binigyan ng importansiya ang BarDa loveteam nila ni Barbie Forteza. Kaya binuwag.

Kahit pilit na itinatago, lumalabas din na may girlfriend na siya.

Ewan kung saan pupulutin itong si David matapos ang pagtataray niya. Hindi na  nga siya interesting kausap at walang pakisama sa media, matapang pa siyang manita ng taong nakatutulong sa kanya, huh!