Friday , June 5 2026
Blue Dreamers PH

GMAP malaki ang plano sa  Blue Dreamers 

MATABIL
ni John Fontanilla

MAGANDA ang mga plano ng GMAP na pag-aari ni MJ Gutierez sa Ppop group na Blue Dreamers PH.

Inilunsad ang Blue Dreamers PH noong Hunyo 2025 at ngayon Mayo 2026 ay ipinakilala sila sa ilang entertainment press na tinawag ng GMAP na Magic 5 Blue Dreamers. Sila ay sina Jarred Salvador mula Makati, Zhian Mendoza mula Mindoro, Shayne Monreal mula Albay, at ang kambal na sina Jairex at Xanxan Tan mula Zamboanga del Sur.

Inilabas ng grupo ang kanilang kauna-unahang album, ang Lowkey Tayo na distributed ng Artist Central Music.

Galing sa iba’t ibang panig ng bansa ang Magic 5 na dumaan sa matinding pagsasanay at evaluation.

Bukod sa paghubog ng kanilang karakter, sumailalim din ang mga miyembro sa intensive training sa singing, dancing, modeling, at acting bilang paghahanda sa kanilang debut sa entertainment industry.

Ayon kay Madam MJ, “I-po promote namin ang Blue Dreamers PH ‘di lang sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa.

“Bukod sa pagkanta, magkakaroon din sila ng serye, pelikula at makakasama sila sa bagong variety show.

“Sana marating nila ang narating ng mga sikat na grupo tulad  ng SB 19 at Bini.” 

Sa ngayon ay abala ang Blue Dreamers PH sa promotion ng kanilang album sa iba’t ibang radio at tv shows.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …