Friday , June 5 2026
Jennylyn Mercado Beautederm Rhea Tan

Rei Tan at Jennylyn may payo sa mga ina

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGBIGAY ng tips kapwa sina Reverie ambassador Jennylyn Mercado at Beautederm CEO/President Ms Rei Anicoche- Tan sa mga tulad nilang ina.   

Ayon kay Ms Rei, “Kaya namang balansehin talaga, pero ako po kasi talaga, mga bata muna. Especially lagi ko ngang sinasabi kay Jen, ‘Si Dylan, maliit pa, i-enjoy niya. 

“Kasi ang bilis talagang lumaki ng mga bata ngayon. Ngayon, may sariling mundo na rin iyong mga anak ko.

“Kaya lagi kong sinasabi, iyong pera, nahahanap iyan, eh. Pero ‘yung time natin na kasama ang mga anak natin, i-enjoy natin iyon. 

“Kasi nga napakabilis ng panahon. Imagine-in mo, parang laro-laro ko lang itong Beautederm, pero sa August ay 17 years na.

“So, ngayon ay malapit na ring magtapos (ng pag-aaral) ang aking anak at kasama ko na siya sa negosyo. Actually, silang dalawa.” 

Ayon naman kay Jennylyn, “I agree ate sa mga sinabi mo, ang bilis ng panahon, napakabilis lumaki ng mga bata, maganda talaga na nae-enjoy muna nila ang mga bata habang maliit pa sila.

“Pero siyempre, aminin natin na mahirap ang buhay. So, kailangan nating bumalik talaga sa trabaho, kailangan nating bumalik sa mga career natin.”

Dagdag pa nito, “Wala namang problemang bumalik sa career, basta ang importante ay hindi mo napapabayaan ang pamilya mo.

“Madali namang balikan ang career anytime, kung gugustuhin mo, depende na iyon sa kung paano mo babalansehin ang oras mo, at hahatiin ang oras mo para sa mga anak mo, para sa trabaho mo.”

Bilib si Jennylyn kay Ms Rei na kayang pagsabayin ang pagiging matagumpay na businesswoman, CEO and president ng kanyang negosyo at nanay at the same time.

Thankful din ito kay Ms Rei dahil sa  pagiging  mabait at super generoussa kanya, sa kanyang asawa (Dennis Trillo), sa kanyang mga ambassador, at tauhan sa BeauTederm at sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong.

Ang  Reverie Air & Fabric Freshener by home product ng BeauTederm. May anim na variant ito tulad ng Cafe Aroma (coffee), First Ambience (green tea), Pure Serenity (warm vanilla), First Nostalgia (grapefruit citrus), Lily Lush (matcha), at Cloud Whisper (cherimoya). 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

DOST 10 Bukidnon BUKIFCARB MPC

Exploring Engineering Solutions to Enhance Muscovado Production for Bukidnon Sugarcane Farmers

Sugarcane farmers of the Bukidnon Farmers CARP Beneficiaries Multi-Purpose Cooperative (BUKIFCARB MPC) in Don Carlos, …

DOST XII-PSTO Socot South Cotabato Business Conference 2026

Innovate. Collaborate. Elevate. -DOST XII-PSTO Socot Highlights Startup and iHub Initiatives at South Cotabato Business Conference 2026

The Department of Science and Technology – SOCCSKSARGEN Region (DOST XII), through its Provincial Science …