MATABIL
ni John Fontanilla
MAGANDA ang mga plano ng GMAP na pag-aari ni MJ Gutierez sa Ppop group na Blue Dreamers PH.
Inilunsad ang Blue Dreamers PH noong Hunyo 2025 at ngayon Mayo 2026 ay ipinakilala sila sa ilang entertainment press na tinawag ng GMAP na Magic 5 Blue Dreamers. Sila ay sina Jarred Salvador mula Makati, Zhian Mendoza mula Mindoro, Shayne Monreal mula Albay, at ang kambal na sina Jairex at Xanxan Tan mula Zamboanga del Sur.
Inilabas ng grupo ang kanilang kauna-unahang album, ang Lowkey Tayo na distributed ng Artist Central Music.
Galing sa iba’t ibang panig ng bansa ang Magic 5 na dumaan sa matinding pagsasanay at evaluation.
Bukod sa paghubog ng kanilang karakter, sumailalim din ang mga miyembro sa intensive training sa singing, dancing, modeling, at acting bilang paghahanda sa kanilang debut sa entertainment industry.
Ayon kay Madam MJ, “I-po promote namin ang Blue Dreamers PH ‘di lang sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa.
“Bukod sa pagkanta, magkakaroon din sila ng serye, pelikula at makakasama sila sa bagong variety show.
“Sana marating nila ang narating ng mga sikat na grupo tulad ng SB 19 at Bini.”
Sa ngayon ay abala ang Blue Dreamers PH sa promotion ng kanilang album sa iba’t ibang radio at tv shows.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com