MATABIL
ni John Fontanilla
MULING magbibigay-saya sa ilang lugar sa Europa ang tinaguriang Asia’s Timeless Diva na si Dulce sa 2nd leg ng kanyang European Tour.
Napakalaking tagumpay ang 1st leg ng kanyang Europian tour, kaya naman sa pagbabalik nito sa Europa, tiyak isang big hit ulit ito, lalo’t alam naman natin kung gaano kagaling kumanta at mag-perform si Miss Dulce.
Makakasama niya ang dating host ng Walang Tulugan with Mastershowman na si John Nite.
Post ni John sa kanyang Facebook, “EXCITED FOR THE 2ND LEG OF OUR EUROPEAN TOUR IN JULY …SEE YOU ALL IN SPAIN, NETHERLANDS, GERMANY ,BRITAIN ….🙏🗯😘👏👏👏 “
Bukod sa concert, nakatakdang tumanggap din ng award sa Global Filipino Legacy Awards 2026 sa Europe sina John at Dulce.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com