MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI makakalimutan ni Rabin Angeles ang sinabi sa kanya noon ni Jerald Napoles nang makatrabaho sa isang pelikula nang nagsisimula pa lang siya.
At ngayon magkasama sila sa kauna-unahan nilang anthology ni Angela Muji na mapapanood sa Viva One Originals na magsisimula sa May 15, muli niya itong sinabi kay Jerald.
Kuwento ni Rabin sa naganap na mediacon ng kanilang anthology, “‘Yung first project namin ‘Instant Daddy,’ sabi ko ‘Kuya Jerald extra po ako dati sa ‘Instant Daddy’ sabi ko.
“Sabi niya sa akin ‘naaalala kita ‘di ba sabi ko sa ‘yo uso ‘yung mukha mo, mag-aral ka umarte,’ nakakatawa po talaga siya.
“Noong sinabi niya nga sa akin na, ‘uso ‘yung mukha mo, puwede ka sumikat’ ,extra pa lang po ako noon, ganoon kabait si Kuya Jerald natandaan niya po ako.
“Tapos noong nagkatrabaho na kami sobrang dami po ng kanyang itinuturo sa akin, tapos parang nare-realize ko po habang nagti-taping na ang pinakamahirap gawin para sa akin ngayon ang pagko-comedy.
“Kasi parang hindi po siya mapipilit, kapag ‘di ka nakatatawa, ‘di ka nakatatawa dapat may timing ka.
“Sobrang dami po niyang itinuro sa akin, sobrang nakamamangha siya kasi kapag magti-take na titingnan lang niya ‘yung script tapos hindi niya ime-memorize tapos take, ang haba ang galing.
“Tapos tinatanong ko siya kung paano niya ginagawa, para kaming magkapatid sa set, naglalaro lang.”
Nagkasama ang dalawa sa Same Day Error na mapapanood sa May 22 na idinirehe ni Rayn Brizuela.
Ang iba pang istorya na mapapanood sa anthology ng RabGel na ipalalabas kada linggo: Ang Rider Kong Hoodlum (May 15, Director: Philip King), My CEO Thinks I’m a Robot (May 29, Director: Gino M. Santos), at Us, Maybe (June 5, Director: Crisanto B. Aquino).
Sa apat na linggo ay iba-ibang Rabin at Angela ang mapapanood dito na nagpapakita ng versatility bilang artista.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com