โ๐S ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐ฌ ๐ฐ๐จ๐ซ๐ค๐๐ซ๐ฌ ๐ก๐๐ฏ๐ ๐ง๐จ๐ญ ๐๐๐ก๐ข๐๐ฏ๐๐ ๐ ๐ฅ๐ข๐ฏ๐ข๐ง๐ ๐ฐ๐๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ฅ ๐ซ๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ฌ ๐ฎ๐ง๐๐๐ซ ๐ญ๐ก๐ ๐ฅ๐๐ฐ, ๐ญ๐ก๐ ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฎ๐ ๐ ๐ฅ๐ ๐จ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐ฐ๐จ๐ซ๐ค๐ข๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ฌ๐ฌ ๐ง๐๐ฏ๐๐ซ ๐๐ง๐๐ฌ. Sa ๐ฆ๐๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐๐ฅ๐ข๐ญ๐: ๐ก๐๐ง๐ ๐ ๐โ๐ญ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ก๐จ๐ ๐๐ญ ๐ค๐๐ซ๐๐ฉ๐๐ญ๐๐ง, ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐๐ง๐ ๐ฅ๐๐๐๐ง.โ
Una sa lahat, isang maalab na pagbati sa tagumpay ng mga manggagawa ng ๐๐จ๐ฐ๐ฅ๐จ๐จ๐ง ๐๐จ๐ฎ๐ฌ๐, isang pangunahing food service industry, matapos tumalima ang management sa pagbibigay ng โฑ20 dagdag-sahod kada araw at pagtugon sa ilang probisyon para sa kanilang mga empleyado.
Nitong Lunes, Abril 20, nagkaharap sa tanggapan ng National Conciliation and Mediation Board ang kinatawan ng kompanya na ๐๐๐ญ๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐๐ง ๐ ๐จ๐จ๐ ๐๐๐ซ๐ฏ๐ข๐๐๐ฌ ๐๐ง๐, at pamunuan ng unyon na ๐๐๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐ ๐๐จ๐ฐ๐ฅ๐จ๐จ๐ง ๐๐จ๐ฎ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ๐ญ ๐๐ก๐๐ฉ๐ญ๐๐ซ. Nagbunga ito ng kasunduan sa anim na probisyonโkabilang ang dagdag-sahod at pagbabalik ng service charge sa paraang staggered.
Nagbunga ang sakripisyo ng mga manggagawa matapos ang anim na araw na welgaโbinabad sa tirik na araw at maalinsangang gabi ang kanilang mga katawan sa walang humpay na pagbabarikada sa labas ng restaurant at main commissary sa West Avenue, Lungsod Quezon.
Ayon sa alyansa, makasaysayan ang tagumpay na itoโhindi lamang sa dagdag-sahod kundi sa pagbubuklod ng ibaโt ibang sektor: kabataan, kababaihan, kapwa obrero sa ibaโt ibang pabrika, at maging makabayang mambabatas. Ang kanilang suportaโmoral, pinansiyal, at pisikalโang nagsilbing lakas at determinasyon sa laban ng uring manggagawa.
Ngunit malinaw: ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฉ๐ ๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐ฅ๐๐๐๐ง.
Ang โฑ20 dagdag-sahod ay nananatiling malayo sa antas ng living wage. Sa harap ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng bilihin, itoโy tila patak lamang sa kumukulong gastusin ng isang pamilyadong obrero.
Sa aking naunang panayam sa lider ng unyon, ibinahagi niyang nagsimula pa noong Agosto ang negosasyon. Mula sa orihinal na hiling na โฑ55 dagdag-sahod โna sinabayan pa ng halos โฑ108 batay sa umiiral na wage guidelines ng Kagawaran ng Paggawaโunti-unti itong ibinaba sa mahabang negosasyon: mula โฑ55, naging โฑ35, saka โฑ25โฆ hanggang sa tuluyang pumalo sa โฑ20.
๐๐ญ๐จ ๐๐โ๐ฒ ๐ค๐จ๐ฆ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฆ๐ข๐ฌ๐จโ๐จ ๐ค๐จ๐ง๐ฌ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐ง๐๐ฉ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐๐ง?
Ayon sa lider-obrero, makatuwiran ang kanilang panawagan. Sa kanilang tantiya, umaabot sa 6,000 piraso ng siopao at siomai ang nalilikha sa commissary kada araw. Sa kasagsagan ng demand, umaabot pa ito sa 13,000 piraso. Ibig sabihin: dobleng produksiyon, dobleng kitaโngunit hindi dobleng sahod.
Sa pagsusuri ng mga manggagawa, daan-daang libong piso ang kinikita ng kompanya araw-araw mula sa produksyon ng libo-libong produkto. Ngunit sa likod ng halagang ito ay ang ๐ฉ๐ข๐ง๐ข๐ ๐ ๐๐ญ ๐ข๐ง๐๐๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐ ๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ-๐ฉ๐๐ ๐ ๐๐ฐ๐.
Dito pumapasok ang konsepto ng ๐๐ฎ๐ซ๐ฉ๐ฅ๐ฎ๐ฌ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐โang ideya na ang tunay na tubo ng negosyo ay nagmumula sa halagang nalilikha ng manggagawa na lampas sa kanyang sahod. Sa madaling salita, hindi buong binabayaran ang halaga ng kanilang paggawa; ang sobrang likha nila ang nagiging tubo ng kompanya.
Nais ko rin ituwid ang ilang mapanuyang pananaw sa social media. May mga nagsasabing ang welga raw ay โpagtambayโ lamangโna para bang walang ginagawa ang mga manggagawa kundi magbilad sa araw. Na maaari namang magsara ang kompanya o maghanap ng kapalit.
Itoโy makitid na pananaw.
Ang welga ay hindi katamaran. Hindi ito banta ng pagsasara. Ito ay ๐ฅ๐๐ก๐ข๐ญ๐ข๐ฆ๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ค๐ข๐ค๐ข๐๐๐ค๐ ng manggagawa upang igiit ang kanyang karapatan at dignidad bilang taoโhindi bilang simpleng kalakal o murang lakas-paggawa.
Dumaan ito sa demokratikong prosesoโmay strike vote, may notice of strike sa DOLE. Hindi ito padalos-dalos. Ito ay organisado, makatarungan, at makabuluhan.
Unawain natin: ang manggagawa ang nagpapaandar ng ekonomiya. Sa pabrika, konstruksiyon, serbisyoโsila ang bumubuhay sa produksiyon.
๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฐ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฐ๐, ๐ฐ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐๐ฎ๐ค๐ฌ๐ข๐ฒ๐จ๐ง. ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฐ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฐ๐ข๐ฌ, ๐ฐ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ค๐ข๐ญ๐.
Sa mga obrerong ilang taonโo higit isang dekadaโnang naglilingkod ngunit hindi nakatikim ng makabuluhang umento, habang patuloy na tumataas ang presyo ng bilihin, malinaw ang katotohanan: ang kanilang pagtitiis ay may hangganan.
Sapagkat kung patuloy na mananahimik ang manggagawaโlalo na yaong underpaid at overworkedโtila itoโy pagpayag sa kapritso ng kapitalista. Habang silaโy nakayuko, pasan-pasan nila ang bigat ng sistemang hindi nila nilikha, ngunit sila ang nagdurusa.
At dito, muling tumitimo ang paalala ni ๐๐จ๐ฉ๐ ๐ ๐ซ๐๐ง๐๐ข๐ฌ: โ๐ป๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐ฐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐.โ
Sa huli, ang โฑ20 dagdag-sahod ay maaaring ituring na tagumpay.
Ngunit sa mas malawak na larawanโito ay simula pa lamang.
Dahil hanggaโt hindi nakakamit ang tunay na nakabubuhay na sahod at ganap na karapatan, ๐๐ง๐ ๐ฅ๐๐๐๐ง ๐ง๐ ๐ฎ๐ซ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐๐ฒ ๐ฆ๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ.
๐๐๐๐๐ฒ๐จ๐ง, ๐๐ซ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฐ๐.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com



