Friday , July 3 2026
PADAYON Teddy Brul

P20 PANALO NG MANGGAGAWA SA KOWLOON MATAGALANG LABAN
Welga sigaw ng uri

โ€œ๐€S ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐š๐ฌ ๐ฐ๐จ๐ซ๐ค๐ž๐ซ๐ฌ ๐ก๐š๐ฏ๐ž ๐ง๐จ๐ญ ๐š๐œ๐ก๐ข๐ž๐ฏ๐ž๐ ๐š ๐ฅ๐ข๐ฏ๐ข๐ง๐  ๐ฐ๐š๐ ๐ž ๐š๐ง๐ ๐Ÿ๐ฎ๐ฅ๐ฅ ๐ซ๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ฌ ๐ฎ๐ง๐๐ž๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐ฅ๐š๐ฐ, ๐ญ๐ก๐ž ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฎ๐ ๐ ๐ฅ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ฐ๐จ๐ซ๐ค๐ข๐ง๐  ๐œ๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ ๐ง๐ž๐ฏ๐ž๐ซ ๐ž๐ง๐๐ฌ. Sa ๐ฆ๐š๐๐š๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š: ๐ก๐š๐ง๐ ๐ ๐šโ€™๐ญ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ก๐จ๐ ๐š๐ญ ๐ค๐š๐ซ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ง, ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐š๐›๐š๐ง.โ€

Una sa lahat, isang maalab na pagbati sa tagumpay ng mga manggagawa ng ๐Š๐จ๐ฐ๐ฅ๐จ๐จ๐ง ๐‡๐จ๐ฎ๐ฌ๐ž, isang pangunahing food service industry, matapos tumalima ang management sa pagbibigay ng โ‚ฑ20 dagdag-sahod kada araw at pagtugon sa ilang probisyon para sa kanilang mga empleyado.

Nitong Lunes, Abril 20, nagkaharap sa tanggapan ng National Conciliation and Mediation Board ang kinatawan ng kompanya na ๐Š๐š๐ญ๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐š๐ง ๐…๐จ๐จ๐ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐œ๐ž๐ฌ ๐ˆ๐ง๐œ, at pamunuan ng unyon na ๐†๐‹๐Ž๐–๐‡๐‘๐€๐ˆ๐-๐Š๐Œ๐” ๐Š๐จ๐ฐ๐ฅ๐จ๐จ๐ง ๐‡๐จ๐ฎ๐ฌ๐ž ๐–๐ž๐ฌ๐ญ ๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ. Nagbunga ito ng kasunduan sa anim na probisyonโ€”kabilang ang dagdag-sahod at pagbabalik ng service charge sa paraang staggered.

Nagbunga ang sakripisyo ng mga manggagawa matapos ang anim na araw na welgaโ€”binabad sa tirik na araw at maalinsangang gabi ang kanilang mga katawan sa walang humpay na pagbabarikada sa labas ng restaurant at main commissary sa West Avenue, Lungsod Quezon.

Ayon sa alyansa, makasaysayan ang tagumpay na itoโ€”hindi lamang sa dagdag-sahod kundi sa pagbubuklod ng ibaโ€™t ibang sektor: kabataan, kababaihan, kapwa obrero sa ibaโ€™t ibang pabrika, at maging makabayang mambabatas. Ang kanilang suportaโ€”moral, pinansiyal, at pisikalโ€”ang nagsilbing lakas at determinasyon sa laban ng uring manggagawa.

Ngunit malinaw: ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฉ๐š ๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐š๐›๐š๐ง.

Ang โ‚ฑ20 dagdag-sahod ay nananatiling malayo sa antas ng living wage. Sa harap ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng bilihin, itoโ€™y tila patak lamang sa kumukulong gastusin ng isang pamilyadong obrero.

Sa aking naunang panayam sa lider ng unyon, ibinahagi niyang nagsimula pa noong Agosto ang negosasyon. Mula sa orihinal na hiling na โ‚ฑ55 dagdag-sahod โ€”na sinabayan pa ng halos โ‚ฑ108 batay sa umiiral na wage guidelines ng Kagawaran ng Paggawaโ€”unti-unti itong ibinaba sa mahabang negosasyon: mula โ‚ฑ55, naging โ‚ฑ35, saka โ‚ฑ25โ€ฆ hanggang sa tuluyang pumalo sa โ‚ฑ20.

๐ˆ๐ญ๐จ ๐›๐šโ€™๐ฒ ๐ค๐จ๐ฆ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฆ๐ข๐ฌ๐จโ€”๐จ ๐ค๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐š ๐ง๐š๐ฉ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ง?

Ayon sa lider-obrero, makatuwiran ang kanilang panawagan. Sa kanilang tantiya, umaabot sa 6,000 piraso ng siopao at siomai ang nalilikha sa commissary kada araw. Sa kasagsagan ng demand, umaabot pa ito sa 13,000 piraso. Ibig sabihin: dobleng produksiyon, dobleng kitaโ€”ngunit hindi dobleng sahod.

Sa pagsusuri ng mga manggagawa, daan-daang libong piso ang kinikita ng kompanya araw-araw mula sa produksyon ng libo-libong produkto. Ngunit sa likod ng halagang ito ay ang ๐ฉ๐ข๐ง๐ข๐ ๐š ๐š๐ญ ๐ข๐ง๐š๐›๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ-๐ฉ๐š๐ ๐ ๐š๐ฐ๐š.

Dito pumapasok ang konsepto ng ๐’๐ฎ๐ซ๐ฉ๐ฅ๐ฎ๐ฌ ๐•๐š๐ฅ๐ฎ๐žโ€”ang ideya na ang tunay na tubo ng negosyo ay nagmumula sa halagang nalilikha ng manggagawa na lampas sa kanyang sahod. Sa madaling salita, hindi buong binabayaran ang halaga ng kanilang paggawa; ang sobrang likha nila ang nagiging tubo ng kompanya.

Nais ko rin ituwid ang ilang mapanuyang pananaw sa social media. May mga nagsasabing ang welga raw ay โ€œpagtambayโ€ lamangโ€”na para bang walang ginagawa ang mga manggagawa kundi magbilad sa araw. Na maaari namang magsara ang kompanya o maghanap ng kapalit.

Itoโ€™y makitid na pananaw.

Ang welga ay hindi katamaran. Hindi ito banta ng pagsasara. Ito ay ๐ฅ๐ž๐ก๐ข๐ญ๐ข๐ฆ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ค๐ข๐ค๐ข๐›๐š๐ค๐š ng manggagawa upang igiit ang kanyang karapatan at dignidad bilang taoโ€”hindi bilang simpleng kalakal o murang lakas-paggawa.

Dumaan ito sa demokratikong prosesoโ€”may strike vote, may notice of strike sa DOLE. Hindi ito padalos-dalos. Ito ay organisado, makatarungan, at makabuluhan.

Unawain natin: ang manggagawa ang nagpapaandar ng ekonomiya. Sa pabrika, konstruksiyon, serbisyoโ€”sila ang bumubuhay sa produksiyon.

๐Š๐ฎ๐ง๐  ๐ฐ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š, ๐ฐ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐ซ๐จ๐๐ฎ๐ค๐ฌ๐ข๐ฒ๐จ๐ง. ๐Š๐ฎ๐ง๐  ๐ฐ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฐ๐ข๐ฌ, ๐ฐ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ค๐ข๐ญ๐š.

Sa mga obrerong ilang taonโ€”o higit isang dekadaโ€”nang naglilingkod ngunit hindi nakatikim ng makabuluhang umento, habang patuloy na tumataas ang presyo ng bilihin, malinaw ang katotohanan: ang kanilang pagtitiis ay may hangganan.

Sapagkat kung patuloy na mananahimik ang manggagawaโ€”lalo na yaong underpaid at overworkedโ€”tila itoโ€™y pagpayag sa kapritso ng kapitalista. Habang silaโ€™y nakayuko, pasan-pasan nila ang bigat ng sistemang hindi nila nilikha, ngunit sila ang nagdurusa.

At dito, muling tumitimo ang paalala ni ๐๐จ๐ฉ๐ž ๐…๐ซ๐š๐ง๐œ๐ข๐ฌ: โ€œ๐‘ป๐’‰๐’†๐’“๐’† ๐’Š๐’” ๐’๐’ ๐’˜๐’๐’“๐’”๐’† ๐’Ž๐’‚๐’•๐’†๐’“๐’Š๐’‚๐’ ๐’‘๐’๐’—๐’†๐’“๐’•๐’š, ๐‘ฐ ๐’‚๐’Ž ๐’Œ๐’†๐’†๐’ ๐’•๐’ ๐’”๐’•๐’“๐’†๐’”๐’”, ๐’•๐’‰๐’‚๐’ ๐’•๐’‰๐’† ๐’‘๐’๐’—๐’†๐’“๐’•๐’š ๐’˜๐’‰๐’Š๐’„๐’‰ ๐’‘๐’“๐’†๐’—๐’†๐’๐’•๐’” ๐’‘๐’†๐’๐’‘๐’๐’† ๐’‡๐’“๐’๐’Ž ๐’†๐’‚๐’“๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’•๐’‰๐’†๐’Š๐’“ ๐’ƒ๐’“๐’†๐’‚๐’… ๐’‚๐’๐’… ๐’…๐’†๐’‘๐’“๐’Š๐’—๐’†๐’” ๐’•๐’‰๐’†๐’Ž ๐’๐’‡ ๐’•๐’‰๐’† ๐’…๐’Š๐’ˆ๐’๐’Š๐’•๐’š ๐’๐’‡ ๐’˜๐’๐’“๐’Œ.โ€

Sa huli, ang โ‚ฑ20 dagdag-sahod ay maaaring ituring na tagumpay.

Ngunit sa mas malawak na larawanโ€”ito ay simula pa lamang.

Dahil hanggaโ€™t hindi nakakamit ang tunay na nakabubuhay na sahod at ganap na karapatan, ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐š๐›๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฎ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐š๐ฒ ๐ฆ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ.

๐๐š๐๐š๐ฒ๐จ๐ง, ๐”๐ซ๐ข๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Teddy Brul

Check Also

Firing Line Robert Roque

Itim na plastik at CKD

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HABANG dumarami ang mga payong pangkalusugan sa social media, …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ekis sa Presiding Officer na may bahid ng politika

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI ang naghihintay sa pagsisimula ng impeachment trial ni Vice President …

PADAYON Teddy Brul

Independent Testing para sa kalusugan at kalikasan

PADAYONni Teddy Brul SA PANGKALAHATAN, ang fuel marking program ay isang mahalagang hakbang ng pamahalaan …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag walang natutuwa, baka ibig sabihin nagiging patas

AKSYON AGADni Almar Danguilan MAINIT na naman ang usapin sa Senado kasunod ng posibilidad na …

Firing Line Robert Roque

Mga silid-aralan ng takot

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ko maialis sa isip ang dalawang insidenteng naganap …