Thursday , June 4 2026
Dead Rape

Biological father, tatlo pa arestado
Dalagita ginahasa, pinatay; bangkay itinapon sa madamong lugar sa Bulacan

NARESOLBA ng pulisya ang kaso ng nawawalang menor edad na natagpuan ang bangkay sa Bustos, Bulacan-sa pagkakaaresto sa apat na suspek, kabilang ang biological father ng biktima-sa loob lamang ng 48 oras.

Batay sa ulat ni PCaptain Heherson M Zambale, officer-in-charge ng Bustos MPS, ang biktima ay isang babae na estudyante at residente ng nasabing lugar na iniulat na nawawala noong Abril 11, 2026.

Napag-alamang nabuksan ang kaso nitong Abril 18, nang isang concerned citizen ang nag-ulat na may nakitang bangkay malapit sa Angat River sa Brgy San Pedro, Bustos Bulacan.

Ang ulat ay nakarating sa naturang himpilan dakong alas alas-630 ng gabi, na nag-udyok sa mga operatiba nito na tumugon.

Pagdating sa binanggit na lugar, ang mga operatiba ay nagsagawa ng on-site investigation at nakumpirmang ang biktima ay ang 16-anyos na dalagita na iniulat na nawawala simula Abril 11.

Pinaigting pa ng mga awtoridad ang kanilang imbestigasyon sa pamamagitan ng mga panayam at pangangalap ng impormasyon upang matukoy ang mga pangyayaring nakapalibot sa insidente.

Sa loob lamang ng 48 oras mula nang matagpuan ang bangkay, nagsagawa ang mga awtoridad ng serye ng mga hot pursuit operation batay sa testimonya ng mga saksi, na humantong sa pag-aresto sa isang suspek, na 27 taong gulang na residente ng Brgy. Poblacion, Bustos, Bulacan.

Kalaunan, itinuro nito ang tatlo pang indibidwal na sangkot sa krimen kaya agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlo pang suspek na may edad 29, 31, at 40 taong gulang, na pawang mga residente rin ng nasabing barangay, sa loob ng 48 oras mula nang magsimula ang imbestigasyon.

Ang apat na suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Bustos MPS habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong Rape with Homicide laban sa kanila sa Office of the Provincial Prosecutor sa Malolos City, Bulacan.

Patuloy ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang kabuuang detalye ng insidente at matiyak ang agarang paghahatid ng hustisya para sa biktima.

Ayon kay PColonel Jay B Baybayan, officer-in-charge ng Bulacan Police Provincial Office, na alang puwang ang ganitong uri ng krimen at patuloy ang mahigpit na aksyon ng kapulisan laban sa mga lumalabag sa batas upang mapanagot ang lahat ng sangkot at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …