Thursday , February 19 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
KimPau Kim Chiu Paulo Avelino

KimPau handog ang ibang ending at mga bagong eksena sa TV Airing ng The Alibi

MULING mababalot ng misteryo ang Primetime Bida sa pagbabalik-telebisyon nina Kim Chiu at Paulo Avelino dahil mapapanood na ang The Alibi: Ang Buong Katotohanan, hatid ang ibang bersiyon ng finale at mga eksenang hindi pa naipakikita noong nag-premiere ito sa Prime Video. 

Tiyak na itotodo ang kaba at kilig sa mga bagong eksenang ipalalabas tungkol sa nakaiintrigang pag-iibigan nina Stella (Kim) at Vincent (Paulo), na hahantong sa mga kaabang-abang na plot twist at rebelasyon kaugnay sa totoong taong pumatay kay Walter (Sam Milby).

Naging numero unong show ito sa Prime Video Philippines noong nag-premiere dahil maliban sa mga misteryong bumabalot sa kwento, pinuri rin ang mas mapangahas na pagganap ng KimPau. Isa sa mga pumatok at naging usap-usapan online ay ang eksena ng sexy pole dance number ni Stella (Kim) habang namamanghang nakatitig sa kanya si Vincent (Paulo). 

Bumenta rin sa mga manonood ang mga eskandalong komprontasyon nina Kim at Sofia Andres, gayundin ang matinding girian nina Paulo at Sam. 

Umiikot ang kwento ng The Alibi sa komplikadong relasyon ng escort na si Stella at sa tagapagmana ng pinaka-makapangyarihan na news agency sa bansa na si Vincent. 

Magbubuklod ang dalawa sa likod ng mga sikreto nang bayaran ni Vincent si Stella para tulungan siyang linisin ang kanyang reputasyon matapos siyang ituro bilang prime suspect sa pagpatay sa karibal niyang si Walter. 

Tampok din sa serye sina John Arcilla, Zsa Zsa Padilla, Rafael Rosell, Robbie Jaworski, at Angelina Cruz. Mula ito sa direksiyon nina Onat Diaz, Jojo Saguin, at FM Reyes. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Marissa Sanchez Jose Mari Chan Dingdong Avanzado Cye Soriano

Concert ni Marissa Sanchez matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na Valentine’s concert ni Marissa Sanchez, ang A Happy Funny Time with …

Lenio Robredo People Power sa QC M4GG

Leni Robredo bida sa People Power 40 Kick-Off Concert

INIIMBITAHAN ni dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo ang publiko na …

Kim Molina Jerald Napoles RC Delos Reyes

Jerald may ‘di magandang karanasan sa isang TV show

MATABILni John Fontanilla UNFORGETABLE para kay Jerald Napoles ang experience sa isang TV Show noong bago-bago pa …

Priscilla Meirelles John Estrada

John nasaktan nang matanggap desisyon sa divorce nila ni Priscilla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NGAYONG diborsyado na si John Estrada, puwede na raw nitong ilantad ang …

Izzy Trazona Alvin Aragon Sunshine Garcia Alex Castro

Mga asawa nina Sexbomb Izzy at Sunshine ikinukompara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI pa ring netizen ang nagkukompara sa mga naging asawa nina Sexbomb …