Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
DPWH

DPWH dapat preparado vs maangas na kontratista

KASUNOD  ng mga repormang ipinatupad para sa badyet ngayong taon, sinabihan ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na dapat paghandaan nito ang posibleng pagtanggi ng ilang kontratista na lumahok sa bidding ng mga proyekto dahil sa mas mababang halaga ng construction materials.

Ayon kay Lacson, may mga kontratistang nasanay sa malalaking kita, lalo ang mga nagbibigay ng ‘advance’ na bayad sa ilang mambabatas, opisyal ng DPWH, at ibang ahensiya, matapos ma-finalize ang National Expenditure Program (NEP).

“The DPWH should anticipate how to deal with contractors ‘unwilling’ to participate in the bidding of projects due to reduced cost of construction materials. Their early advances to legislators after the NEP was finalized will not help obviate a looming infrastructure crisis,” paskil niya sa kanyang X account.

Magugunitang sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na kanyang pinamunuan, at sa masusing pagsusuri niya sa kasalukuyan at mga nakaraang pambansang badyet, nabunyag ni Lacson ang isang masalimuot na sistema ng kickbacks na kinasasangkutan ng mga flood control at iba pang infrastructure projects.

Lumalabas sa pagsusuri na nakinabang dito ang ilang kontratista, mambabatas, at mga opisyal – kabilang ang mga taga-DPWH.

Isiniwalat ni Lacson ang mga detalye ng naturang garapalang kickbacks sa dalawang privilege speeches na kanyang inihayag noong nakaraang taon.

Samantala, malaki rin ang naging papel ng mga pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa pagbuo ng mga kaso laban sa ilang personalidad na sangkot sa isyu.

Kasunod ng imbestigasyon, ilang reporma ang isinama sa 2026 national budget, kabilang ang mga pagbabago sa badyet ng DPWH. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bojie Dy kamara congress

“Anti-political dynasty” itinalakay na sa komite

ni GERRY BALDO INUMPISAHAN na ng Kamara de Representantes ang pagtalakay sa panukalang pagbuwag sa …

Black smoke

Maingay, maamoy
SUSPENSIYON VS PERMIT NG TIME CERAMIC HILING NG MGA RESIDENTE

SAN PASCUAL, Batangas — Nanawagan ang mga residente ng Brgy. San Teodoro laban sa Time …

Arrest Posas Handcuff

Sa loob ng 24 oras…
NEGOSYANTE DINUKOT, P5 MILYONG RANSOM NAPURNADA, TATLONG KIDNAPER TIMBOG

Sa pamamagitan ng mabilis at sama-samang aksyon ng pulisya ay matagumpay na nailigtas ng mga …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …