WALANG BALAK si Senador Panfilo “Ping” Lacson na makiisa o makisama sa mga taong nais magpataw ng kaukulang parusa laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa patuloy na pagliban nito sa sesyon ng senado halos dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang mabalitaan niyang mayroong warrant of arrest laban sa kanya ang International Criminal Court (ICC).
Aminado si Lacson na wala siyang moral ascendancy para husgahan si Dela Rosa sa kaniyang sitwasyon sa kasalukuyan.
Bukod rito, wala rin siyang kapangyraihan para magpataw ng kahit anong parusa laban kay Dela Rosa.
Ipinaalala ni Lacson sa lahat na 15 taon ang nakalipas ay naranasan din niya at nasa kalagayan din siya ni Dela Rosa.
Magugunitang sa isang pahayag ay pinayohan ni Lacson si Dela Rosa nang pabiro na galingan niya lamang ang pagtatago. (NIÑO ACLAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com