Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
ASEAN PARA Games

Pilipinas Umakyat sa Pinakamataas na Puwesto sa ASEAN Para Games Matapos Umani ng 35 Ginto

h1

NAKHON RATCHASIMA – Magkakasunod na itinala nina Para athletes Evenizer Celebrado, Cyril Cloyd Ongcoy at Cleford Trocino ang mga bagong record sa panghuling araw ng kompetisyon sa athletics dito Linggo ng umaga para tulungang bitbitin ang Pilipinas sa pinakamaganda nitong kampanya sa ginaganap na 13th ASEAN Para Games.

Nakipagpareha ang athletics long distance runner na si Evenizer Celebrado kay King James Reyes para angkinin ang gintong medalya sa Men’s 5000m T11 sa pagtatala ng pinakaunang Para Games record na 20:03.55 oras.

Sinundan ito ni Cyril Cloyd Ongcoy na nakamit ang kanyang pangalawang record at gintong medalya sa una pa lamang nitong pagsali sa kada dalawang taong torneo sa pagwawagi sa Men’s 5000m T12 sa oras na 17:32.19 dito sa Thailand.

Iniuwi naman ni Cleford Trocino ang una nitong gintong medalya sa unang pagsali sa torneo at pangatlong ginto ng bansa Linggo sa 1-2 finish ng bansa sa 800m T52 event.

Tinawid ni Trocino ang distansiya sa 2:00.16 minuto para sa ginto kasunod ang Philippine flagbearer na si Jerrold Pete Mangliwan na may oras na 2:00.73 minuto para sa pilak.

Habang isinusulat ito ay nalampasan na ng Pilipinas ang huli nitong kabuuang iniuwi na 34 ginto, 33 pilak at 50 tanso para 117 medalya sa pangkalahatang panglimang puwesto.

Nakapagtipon na ito ng kabuuang 35 ginto, 28 pilak at 43 tanso para sa 106 medalya upang okupahan ang pinakamataas na naabot na puwesto simula sumali sa multi-sports na kompetisyon para sa mga atletang may kapansanan.

Muli din nagtala ang swimmer na si Gary Bejino ng bagong meet record sa men’s 100m freestyle S6 class sa oras nito na 1:11.40 para sa kanyang ikaapat na gintong medalya.

Una nito ay humakot ang Philippine para swimming team ng dagdag na pilak mula kay Marco Tinamisan sa men’s 100m freestyle S4, at tanso kay Ariel Joseph Alegarbes sa men’s 400m IM SM14 class.

Nag-ambag din ng gintong medalya ang pares nina Franciso Ednaco at Jaime Manginga sa ginaganap sa Bangkok na Tenpin Bowling sa pagtala ng kabuuang 1957 pinfalls.

Tatlong ginto pa ang idinagdag ng Para Chess squad mula sa Rapid Time Control kasama ang tatlong pilak at apat na tanso.

Iniuwi ni Sander Severino ang kanyang pangatlong ginto sa pagwawagi sa Individual Rapid PI Men habang kabuuang apat na kay Darry Bernardo sa pagwawagi sa Individual Rapid B2 at sa Team Rapid B2 Men kasama sina Arman Subaste at Menandro Redor.

Ang tatlong pilak ay nagmula naman kay Cheyzer Crystal Mendoza sa Individual PI Women, Team Rapid PI Men nina Severino, Jasper Rom at Henry Roger Lopez at Team Rapid B1 Men- nina Francis Ching, Cecilio Bilog at Rodolfo Sarmiento.

Ang apat na tanso ay kinolekta nina Cheyzer Crystal Mendoza, Cheryl Angot at Jean-lee Nacita sa Team PI Women, Francis Cheng sa Individual Rapid B1 Men, Kyla Jane Langue sa Individual Rapid B1 Women, at ang Team Rapid B1 Women nina Kyla Jane Langue, Katrina Mangawang at Evangeline Gamao.

Habang isinusulat ito ay sumasabak pa ang koponan sa Blitz event.

Nakatakda din makipag-agawan sa gintong medalya ang Pilipinas Warrior Men sa pagharap sa host na Thailand sa Wheelchair Basketball sa ganap na alas-2 ng hapon. (PSC ICE/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa loob ng 24 oras…
NEGOSYANTE DINUKOT, P5 MILYONG RANSOM NAPURNADA, TATLONG KIDNAPER TIMBOG

Sa pamamagitan ng mabilis at sama-samang aksyon ng pulisya ay matagumpay na nailigtas ng mga …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

PBBM impeachment Makabayan bloc

Ikalawang impeachment vs PBBM inihain ng Makabayan bloc

ni Gerry Baldo ISINUMITE ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa …

BARMM BTA BEC rally protest

Amyenda sa BARMM Poll Code:
DAGOK SA KABABAIHAN, BANTA SA HALALAN

ni TEDDY BRUL UMAPELA ang mga sectoral group sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao …