ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ISANG taon matapos ipagdiwang ang ika-50 anibersaryo nito, patuloy na sumusulong ang Ascorbic Acid (Poten-Cee) matapos magwagi ang kampanya nitong #FiftyFortifiedandForgingForward sa 51st Philippine IABC Quill Awards na ginanap kamakailan sa makasaysayang Manila Hotel. Ang tagumpay na ito ay ang ikalawang panalo ng brand sa dalawa sa pangunahing award-giving bodies sa larangan ng komunikasyon, kasunod ng Silver Award mula sa PR Society of the Philippines’ Anvil Awards noong Enero.
Para sa matagumpay na pagsasagawa at pagpapahayag ng ika-50 anibersaryo nito sa pamamagitan ng #FiftyFortifiedandForgingForward campaign sa mga target audience gamit ang iba’t ibang channels at platforms, at sa pagkakamit ng 5.75+ na score batay sa IABC Global Scale of Excellence, iginawad sa Poten-Cee Vitamin C ang Excellence Award.
Noong 2024, unang ipinakilala ng Poten-Cee ang kampanya sa mga internal stakeholders sa paniniwalang pinakamabisang brand ambassadors ang mga empleyado. Matapos nito ay inilunsad ito sa mga external stakeholders, kabilang ang mga customers at miyembro ng media — ilan sa kanila ay nagpatunay na sila mismo ay gumagamit ng produkto.
Ang kampanyang ito, na binuo noong 2023, ay tumakbo mula Enero hanggang Disyembre 2024 at naibahagi sa pamamagitan ng internal platforms at malawakang ATL, BTL, at higit sa lahat, digital platforms. Sa kabila ng mga hamon, nakamit ng Poten-Cee ang kahanga-hangang sales, collective digital performance, PR, at stakeholder engagement (kabilang na ang CSR) na nagbigay-daan upang mas tumaas pa ang kabuuang marka nito.
Mula sa 918 kabuuang entries, 163 ang nagwagi ng Excellence Award (58 mula sa parehong kategoryang Communication Management). Isa ang Poten-Cee at 50 sa napabilang sa Professional Top 5 Awards, na nangangahulugang kabilang ito sa may pinakamataas na marka sa scale na 1 to 7, na 7 ang pinakamataas.
Ayon kay IABC President Belle Tiongco: “Scoring a Professional Top Awards means you submitted a well-written entry, with clear strategy, creativity, and results accompanied with an impressive Work Plan, showing a sample of the campaign which allowed the evaluator to “experience” the output in a very effective manner. This is how you win the Quills!” dagdag niya, “Landing in the final five is a big feat in this very competitive category.”
Ang #FiftyFortifiedandForgingForward ay nagsilbing ikalawang Quill Award para sa PascualLab, kasunod ng kanilang unang panalo noong 2021 para sa kampanyang #PascualLove na inilunsad bilang bahagi ng ika-75 anibersaryo ng kompanya. Ang ikalawang parangal na ito ay nagsisilbing inspirasyon para sa brand at sa kompanya na patuloy na maghatid ng iba’t ibang Vitamin C variants para sa iba’t ibang pangangailangan at pamamaraan ng pamumuhay ng mga mamimili.
Kabilang sa kasalukuyang portfolio ng Poten-Cee ang: Poten-Cee Sugar-coated, Sugar-free, Poten-Cee Forte (1000 mg), at Poten-Cee Chewable. Mayroon din itong variants na may mas advanced immunity protection (versus regular variants): Poten-Cee Zn at Zn Advance. May variants din ito na may collagen na tumutulong sa skin at hair health: Poten-Cee + C (Bovine at Marine). Tinutugunan din ng Poten-Cee ang pangangailangan sa Vitamin C ng mga bata sa pamamagitan ng Poten-Cee Plus, at pinakabago nitong variant Poten-Cee Gummies.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang pascuallab.com at ang kanilang mga opisyal na online stores sa Lazada, Shopee, at Tiktok.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com