Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kahit sinong voter o taxpayer maaaring kumuwestiyon
4TH TERM SA KAMARA NG MISIS NI SPEAKER ROMUALDEZ DELIKADONG ‘PRECEDENT’ – ATTY. MACALINTAL

072625 Hataw Frontpage

HATAW News Team

HINDI lamang political opponents, kundi kahit sinong registered voter o taxpayer ay maaaring dumulog sa Korte Suprema o sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) para kuwestiyonin ang kontrobersiyal na pag-upo ni Tingog partylist Rep. Yedda Romualdez sa Kamara bilang ikaapat nang termino.

Ayon kay Election Lawyer Romulo Macalintal mahalagang mabigyanng resolusyon ang pag-upo ni Yedda Romualdez sa ikaapat na nyang termino bilang miyembro ng House of Representatives dahil magiging ‘precedent’ na ito.

“Kung walang kukuwestiyon dito at mapapayagan lang, lalabas na puwedeng magpalit ang mga Congressman sa District representative tapos partylist representative naman,” paliwanag ni Macalintal.

Kontrobersiyal ang pag-upo ni Yedda dahil kahit ika-6 na nominee siya ng Tingog Partylist ay nahirang na umupo sa third seat ng partylist sa Kamara nang sabay-sabay na nag-resign ang kanilang 3rd, 4th at 5th nominee.

Ang Tingog ay nakakuha ng 3 congressional seat sa nakalipas na eleksiyon, uupo bilang congressman ng partido sina Andrew Romualdez, panganay na anak ng mag-asawang Romualdez , Rep. Jude Acidre, at si Yedda.

Bukod dito, ika-apat na termino na ni Yedda sa Kamara na paglabag sa Article VI ng Konstitusyon na malinaw na nagtatakda na 3 consecutive terms lamang dapat maupo ang isang congressman.

Si Yedda ay nakatatlong magkakasunod na termino bilang kongresista, bilang Leyte District Representative noong 2016 hanggang  2019 at Tingog representative mula 2019 hanggang 2022, at 2022 hanggang 2025.

Ipinaliwanag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na “grey area” ang probisyon ukol sa 3 consecutive terms, depensa niya, pinayagan ng Comelec ang pag-upo ni Yedda dahil magkaiba naman ang kanyang “constituents” sa kanyang 3 termino.

Ang una ay sa district at ang dalawang termino ay partylist kaya hindi ito masasabing “three consecutive terms” dahil magkaiba ang constituents.

Ipinaliwanag ni Macalintal na ang interpretasyon sa “3 consecutive terms” ay 3 beses na naging miyembro ng Kamara, malinaw umano na pasok dito si Yedda dahil 3 beses itong gumanap bilang miyembro ng House of Representatives at malinaw ang intensiyon ng batas na limitahan ang termino.

Sinabi ni Macalintal na tanging ang Kataas-taasang Hukuman na lamang ang makapipigil sa pag-upo ni Yedda kung magpapalabas ng temporary restraining order (TRO).

Sa tanong kung paano ang magiging hakbang, sinabi ni Macalintal na maaarimg dumulong sa SC at maghain ng petition for certiorari na kukuwestiyon sa desisyon ng Comelec na iprinoklama si Yedda o sa HRET sa pamamagitan ng petition for quo warranto na kukuwestiyonin naman ang kalipikasyon ni Yedda.

Ipinaalala ni Macalintal na may prescriptive period sa paghahain ng reklamo, sa SC ay 30 days mula nang ibaba ng Comelec ang desisyon na nagpoproklama kay Yedda habang 15 days upon assumption of duty sa HRET.

Aminado si Macalintal na kung walang haharang sa nasabing isyu ay ganito na ang magiging sistema sa hinaharap na maaaring magpalit ang mga congressman bilang district at partylist representative para makapanatili sa puwesto at makaiwas sa 3-consecutive term limitation.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …