Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis ni Speaker Martin Romualdez
4th TERM NI YEDDA SA KAMARA ISANG MOCKERY NG ELECTORAL PROCESS – ATTY. MACALINTAL

072225 Hataw Frontpage

HATAW News Team

MAGKAKAROON ng “mockery” sa electoral process ng bansa kung hindi kukuwestiyonin sa Korte Suprema o sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) ang naging desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) na pinayagan si Yedda Romualdez umupo bilang third nominee ng Tingog Partylist sa papasok na 20th Congress  gayong natapos na niya ang kanyang three consecutive terms bilang kongresista, ayon sa batikang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal.

Si Yedda, asawa ni House Speaker Martin Romualdez ay unang naging Leyte District Representative noong 2016 hanggang 2019 at Tingog representative mula 2019 hanggang 2022, at 2022 hanggang 2025. Natapos nito ang kanyang 3 consecutive terms.

Pinayagan ng Comelec na maupo muli si Yedda sa katuwirang dalawang beses lamang siyang naging partylist representative at hindi kasama sa bilang ang pagiging district representative para sabhin na nagkaroon na siya ng “3 consecutive terms”.

Pero kinontra ito ni Macalintal, aniya,  malinaw ang intensiyon sa Article VI, Section 7 ng 1987 Constitution na ang bawat miyembro ng House of Representatives ay mayroon lamang “three consecutive terms”, hindi isyu dito kung bilang District Representative o Partylist member basta naging miyembro.

Sinabi ni Macalintal na dapat bigyang linaw ang naging hakbang ni Comelec Chairman George Garcia sa isyu ng pag-upo muli ni Yedda dahil magiging “bad precedent” ito.

Aniya, ang intensiyon ng batas ay limitahan ang termino, ngunit sa ginawa ng Comelec ay magkakaroon ng “forever” sa puwesto.

“Ang mangyayari ay maglilipat-lipat na lang, 3 termino bilang District Representative at hahanap ng partylist na puwede ulit ang three terms,” paliwanag ni Macalintal sa isang panayam ng local na himpilan ng radyo.

Pinuna ni Macalintal ang kawalang aksiyon ng Comelec na hindi nagsagawa ng imbestigasyon sa pagbibitiw ng tatlong nominee ng Tingog Partylist.

Sa July 16 resolution ng Comelec, pinayagan nito ang pagbibitiw ng 3rd, 4th at 5th nominees ng Tingog partylist na sina  Marie Josephine Diana Calatrava, Alexis Yu, at Paul Muncada.

Sina Yu at Muncada ay nagbitiw dahil nabigyan ng bagong internal positions sa Tingog habang si Calatrava ay dahil sa ‘personal reasons’.

Si Calatrava ay kapatid ni Yedda at asawa nito si Terence Calatrava, na ang resignation bilang Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) ay tinanggap kamakailan ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ang pagbibitiw ng tatlo ang nagbigay daan para iproklama ng Comelec si Yedda na siyang 6th nominee ng Tingog Partylist. 

Ang Tingog ay nakakuha ng tatlong Congressional seats sa nakalipas na May 2025 election, uupo bilang kanilang kinatawan sa Kamara sina Andrew Julian Romualdez, panganay na anak ng mag-asawang Romualdez at si Rep. Jude Acidre.

Sinabi ni Macalintal na may pagkukulang ang Comelec nang hindi nito malalimang inimbestigahan ang “mass resignation” ng tatlong nominees ng Tingog Partylist.

“Tinanggap na lang ‘yung resignation nang walang any investigation, dapat inalam ano ‘yung reason sa pagbibitiw, kung mayroong political pressure,” ani Macalintal.

Ipinaliwanag ni Macalintal na dati ay lima lamang ang nominees ng partylist ngunit ginawa itong 10 ng Comelec sa nakaraang eleksiyon para maiwasan ang pagre-resign o pagkakaroon ng hindi kalipikadong nominees.

Aniya, sa nangyaring pagre-resign ng mga nominado ng Tingog Partylist ay ginawa dapat ng Comelec ang nararapat sa kanilang tungkulin at ito ay nagkaroon ng imbestigasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …