Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Online Betting Gaming Gambling

Babala ng mga eksperto:
Pagbabawal ng online gaming kaduda-duda, black market lalakas pa

NAGBABALA ang isang kilalang ekspertong legal na maaaring lalong lumala ang epekto ng iresponsableng pagsusugal kung isasabatas ang pagbabawal sa online gaming, at maaaring magresulta ng ilegal na operasyon ng sugal.

Sa 15-pahinang memorandum na inilabas ni Atty. Tonet Quiogue, pinuno ng kilalang technology consulting firm na Arden Consult, sinabi niyang kung tuluyang ipagbabawal ang online gaming, isinusuko rin ang kakayahang kontrolin ang ilegal na pagsusugal at mga negatibong epekto nito.

“Alam ng mga may malalim na pag-unawa sa industriya na ang tunay na kalaban ay ang ilegal na pagsusugal, gaya ng mga operasyong walang regulasyon, mga hindi nagbabayad ng buwis, at walang proteksiyon sa mga manlalaro,” paliwanag ni Quiogue sa kanyang memorandum. “Kung nais talagang wakasan ng mga mambabatas ang mga suliraning dulot ng pagsusugal, ang lohikal na hakbang ay ang eksaktong pagtugis sa mga ilegal na operasyon, hindi ang pagbuwag sa buong industriya at pagpaparusa sa mga lehitimong kalahok.”

Nagbabala si Quiogue matapos ang sunod-sunod na panukalang batas mula sa ilang mambabatas, kabilang ang pinakahuling Senate Bill na inihain ni dating Senate President Migz Zubiri. Ngunit tinutukan ni Quiogue ang mga panukala nina Senators Pia at Alan Cayetano, Joel Villanueva, at Sherwin Gatchalian.

Ayon kay Quiogue, inilalarawan ng mga preambular at mga whereas clause ng mga naturang panukala ang pagsusugal bilang likas na ilegal na aktibidad, na tuwirang iniuugnay sa pandaraya, money laundering, at human trafficking. Binigyang-diin ni Quiogue na walang sapat na ebidensiya upang patunayan ang mga nasabing paratang.

Dagdag ni Quiogue, hindi isinasaalang-alang ng mga panukala ang mahigpit na legal na pamantayang ipinapatupad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) bago mabigyan ng lisensiya ang isang gaming operator.

“Bago pa ilunsad, kailangang makapasa sa independent certification para sa pagiging patas at seguridad ang lahat ng software at hardware ng isang lisensiyadong online platform,” ani Quiogue, binanggit ang masusing pag-audit at compliance checks ng PAGCOR. “Ang mga kahina-hinalang aktibidad gaya ng malalaking iregular na pusta o kakaibang payouts ay mabilis na natutukoy at naimbestigahan. Dahil dito, napakahirap gamitin ng mga kriminal ang mga lisensiyadong platform para sa money laundering o pandaraya.”

Dahil dito, binigyang-diin ni Quiogue na ang ideya na ang mga regulated gaming platforms ay konektado sa ilegal na aktibidad ay hindi lamang maling pananaw kundi mapanganib pa, lalo na’t ang tunay na ilegal na aktibidad ay nangyayari kapag walang regulasyon at kontrol.

“Sa kabaligtaran, ang mga ilegal na gambling site ang tunay na umaakma sa masamang paglalarawan sa mga whereas clause – sila mismo ang nagsisilbing taguan ng mga ilegal na aktibidad dahil sila’y nasa anino ng batas,” dagdag niya. “Kapansin-pansin na ginagamit ng mga tagasuporta ng pagbabawal ang mga kriminal na kaso na iniuugnay sa online gambling nang hindi inililinaw kung ito ba ay legal o ilegal na operasyon. Ang kawalan ng mga naiulat na krimen sa ilalim ng PAGCOR-supervised gaming ay nagpapahiwatig na epektibo ang kasalukuyang sistema sa paglilimita sa mga kagayang panganib.”

Bukod dito, gumamit si Quiogue ng paghahambing sa mga legal na pamamaraan ng iba’t ibang bansa. Binanggit niya na sa mga bansang tulad ng China, Vietnam, at Indonesia, kahit may ganap na pagbabawal sa pagsusugal, ay patuloy pa rin ang paglaganap ng underground gambling.

Samantala, sa mga bansang gaya ng United Kingdom, Sweden, at Italy, na pinili ang legalisasyon ng pagsusugal, ay nakita ang ibang resulta. Inilahad ni Quiogue ang kaso ng Sweden, kung saan mabilis na lumipat ang mga nagsusugal sa mga lokal na regulated platforms imbes sa offshore bookies, at tinatayang 85% ng mga manlalaro sa Sweden ay dumaraan sa legal na paraan.

Habang pinag-aaralan ng Kongreso ang magkaibang landas na ito, iginiit ni Quiogue na malinaw ang direksiyong dapat tahakin, na ayon sa ebidensiya at ikabubuti ng publiko. Aniya, ang polisiya ay dapat ibatay sa datos at makatotohanang pagsusuri, hindi sa takot o maling haka-haka. Upang tunay na protektahan ang mga Filipino laban sa masasamang epekto ng pagsusugal, kailangang magkaisa ang publiko sa pagtutol sa mga hungkag na solusyon na sumisira sa mga gumaganang sistema at nagbubukas ng daan sa bagong krimen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …