Thursday , June 4 2026
Michael Sager Vince Maristela PBB

Michael at Vince viral at trending sa PBB

MA at PA
ni Rommel Placente

PUMASOK bilang celebrity housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sina Michael Sager at Vince Maristela na nakatrabaho ni Jillian Ward sa seryeng pinagbidahan niya, My Ilongga Girl.

Siyempre, proud na proud si Jillian sa kanyang mga friend at kapwa Sparkle artists dahil palagi ngang viral at trending ang bawat episode ng PBB.

Nagbitiw ng pangako si Jillian sa dalawang aktor . Sabi niya, “I pray for the best kay Michael and sa iba kong friends. 

“Basta paglabas ninyo, ako bahala sa inyo. Ililibre ko kayong lahat,” sabi ni Jillian sa panayam sa kanya ng 24 Oras.

Sa tanong naman kung game ba siyang pumasok din sa PBB house, mukhang okay naman ito kay Jillian pero ang issue niya ay baka raw ma-evict siya agad.

Baka ma-evict ako agad kasi ang tagal ko maligo at lagi akong natutulog. Pero if ever na nandoon ako, siguro ako ‘yung laging magsasaing na lang,” natatawang sabi ni Jillian.

Kung sakali ngang papasok sa Bahay Ni Kuya si Jillian at kung ganyang matagal  siyang maligo ay baka nga kainisan siya ng ibang housemates, na gusto ring maligo at maiinip sa paghihintay sa kanya. Magiging dahilan ‘yun para i-nominate siya na ma-evict.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …