Friday , August 8 2025
Ice Seguerra Liza Dino Dr Anton Juan

Choosing (Not A Straight Play) nina Ice at Liza handog sa Pride Month celebration—pix of ice, liza and direk anton

BILANG pagdiriwang ng LGBT Pride Month, magaganap ang world premiere ng pinakahihintay na palabas, ang Choosing (Not A Straight Play) mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 7, 2024, sa Power Mac Spotlight Blackbox Theater, Circuit, Makati. Original play ito na nilikha ng powerhouse LGBTQIA+ couple na sina Ice Seguerra at Liza Dino at idinirehe ng kilalang si Dr. Anton Juan.

Isang makabuluhang kuwento ang hatid ng power duo na sinamahan pa ni Dr. Juan na ang kuwento ay tungkol sa pagmamahalang hindi base sa kasarian ng mga tao kundi sa pagmamahal sa isa’t isa.

Ang Choosing (Not A Straight Play) ay isang taos-pusong pagsisiyasat ng pagkakakilanlan, pag-ibig, at tapang na maging tapat sa sarili. Isinulat ni Liza, na may karagdagang monologues mula kay Ice, ang play ay hinango mula sa kanilang mga personal na karanasan at koleksiyon ng mga kuwento ng LGBTQIA+ sa loob ng maraming taon. Nag-aalok ito ng kapana-panabik na kuwento na nagbubura ng linya sa katotohanan at kathang-isip.

“We’re not just telling a story, we’re sharing a part of our souls with the audience. It’s about the raw, sometimes painful journey to find not just love, but ‘yung acceptance and happiness lalo na sa society na ginagalawan natin,” ani Liza.

“My hope is that this play will break barriers to understanding the individual experience of people from the LGBTQIA+ community. Through these stories and shared experiences, we’ll realize that we have more commonalities than differences,” dagdag ni Ice habang ibinabahagi ang misyon ng play para i-promote ang inclusivity.

“Kaya rin namin siguro piniling gawin ito sa Powermac Spotlight para mas maraming tao ang mkapanood and even the tickets, nasa P1000 lang at most expensive na ay P1500 para mas maging accessible sa lahat.”

 Ang Choosing ay hindi lamang tungkol kina Ice at Liza ukol din ito sa pagtanggap sa mga hindi nakikita at hindi naririnig na mga kuwento sa LGBTQIA+ community at paghahanap ng espasyo para tuklasin ang mga pakikibaka na kanilang kinakaharap sa lipunan at ang mga komplikasyon ng karanasang ito,” sabi ni Dr. Anton.

Maging bahagi ng makasaysayang kaganapang ito na naglalayong itaas ang antas ng mga pag-uusap tungkol sa pag-ibig, pagkakakilanlan, at pagtanggap. Bilhin na ang iyong tiket ngayon at samahan sila sa pagdiriwang ng Pride Month sa pamamagitan ng isang dula na nangangakong maghatid ng makabuluhang epekto.

Para sa karagdagang impormasyon at upang bumili ng mga tiket, mangyaring bisitahin ang Ticket2Me. Ang presyo ng tiket ay nagsisimula sa Php 1000 para sa Silver, 1300 para sa Gold, at 1500 para sa Platinum. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelika Santiago

Angelika Santiago, super-happy na finally ay Sparkle artist na!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYANG-MASAYA si Angelika Santiago dahil ngayon ay isa na siyang …

Hiro Magalona

Hiro Magalona inismiran, nasabihan pang salbahe 

MATABILni John Fontanilla SUPER effective ang portrayal ni Hiro Magalona dahil maraming nainis sa kanyang role bilang …

Mga Munting Tala Sinagtala Errol Ropero

Mga Munting Tala sa Sinagtala isinusulong kahalagahan ng edukasyon

MATABILni John Fontanilla MUST watch ang pelikulang Mga Munting Tala sa Sinagtala ni Direk Errol Ropero dahil bukod sa mahusay ang …

Cecille Bravo Ang Aking Mga Anak

Philantropist/businesswoman Cecille Bravo naiyak, kinabahan sa unang pag-arte 

ISA ang philantrophist at celebrity businesswoman na si Cecille Bravo sa cast ng advocacy film na Ang Aking  …

Andres Muhlach Ashtine Olviga

Andres kayang i give up ang lahat para sa love

MA at PAni Rommel Placente DAHIL ang launching movie ng magka-loveteam na sina Andres Muhlach at Ashtine Olviga ay …