Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Boy Abunda

Vilma Santos, Boy Abunda sanib-puwersa sa isang special show

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATATANDAAN namin, noong i-take over ng Aquino government ang Channel 2 mula sa franchise holder and owner na Banahaw Broadcasting sa bintang na iyon ay bahagi ng ill gotten wealth at ibigay ang pribilehiyo sa mga Lopez para muling mabuksan ang ABS-CBN, natigil pati ang high rating show ni Ate Vi (Ms Vilma Santos), iyong Vilma in Person.

Maraming gustong kumuha sa show, pero ang mahigpit na naglaban ay ang IBC 13 na isa rin sa mga Aquino sequestered station at ang GMA 7. Ang gusto ni Ate Vi, kung sino ang mga kasama niya sa VIP, iyon din ang makasama niya sa bago niyang show. Doon nanalo ang GMA, dahil kahit na station produced ang show, kasama nila sa produksiyon ang isang independent company na siyang magtatrabaho roon, iyong Media Muscle.

Noong lumipat si Ate Vi sa GMA, ang show niya ay tinawag na Vilma, at tumagal ng siyam na taon mula 1986 hanggang 1995. Nagrehistro iyon ng pinakamataas na ratings tuwing Biyernes ng gabi at hindi natapatan iyon ng ibang networks. May mga pagkakataon pang ang ratings niyon ay umabot sa 47%. Si Ate Vi noon ang highest paid television star. Pero matapos nga ang 479 episodes, nagdesisyon siyang tapusin ang kanyang high rating show, dahil gusto niyang magka-anak, at ipinayo ng doctor niya na kailangang magpahinga na siya sa kanyang pagsasayaw.

Kabilang iyan sa mga babalikan niya sa muli niyang pagharap sa television cameras sa Huwebes, kung kailan ite-tape ang tribute sa kanyang 60 years in showbusiness. Hindi pa namin maaaring i-reveal ang contents ng nasabing tribute, pero malalaman ninyo iyan bago iyon ipalabas sa lahat ng ABS-CBN platforms.

Basta ang maliwanag lang sa ngayon, ang King of Talk na si Boy Abunda ang makakasama niya sa show.

Kawawa na naman ang show na matatapatan niyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Shira Tweg Pilar Pilapil Gelli De Belen

Shira Tweg excited makatrabaho sina Pilar Pilapil at Gelli De Belen  

MATABILni John Fontanilla EXCITED na ang teen actress na si Shira Tweg na makatrabaho sa pelikula ang …

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap

Rochelle nag-produce ng concert dahil sa anak 

MATABILni John Fontanilla MATAPAT na sinabi ni Rochelle Pangilinan na ang naging motivation sa kanya na i-push …

Hell University

Hell University ng Viva One bagong gugulantang sa manonood 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAPAHANGA kami sa ipinakitang trailer ng pinakabagong seryeng handog ng Viva na mapapanood …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …