Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Islam Makhachev Charles Oliveira Khabib Nurmagovedov Dana White

Khabib posibleng lumaban muli kapag natalo si Makhachev kay Oliveira

BAKANTE sa kasalukuyan ang UFC lightweight championship  pagkaraang sumalto sa official weigh-in  si ex-champion Charles Oliveira.  Dahil doon ay inaasahan na magkakaroon ng tsansa na magkaharap ang tinaguriang ‘Do Bronx’ laban sa No. 4-ranked title contender na si Islam Makhachev  ngayong taon.

Mangyayari ang labang iyon kung hindi papapel si featherweight champion Alex Volkanovski.

Si Oliveira ay patungo sa kasikatan at sinasabing magiging kapalit ng retiradong titleholder Khabib Nurmagomedov  bilang dominanteng kampeon  sa UFC.   Pero hindi kumbinsido ang 33-year-old na tinaguriang “Eagle”  sa performance ni Oliveira.

“If Charles beats Makhachev, I truly believe that Khabib would return to avenge him,” pahayag ni dating  American Kickboxing Academy (AKA) jiu jistu coach Leandro Vieira sa  Sherdog.com.

Ang puntong iyon ay ibinase sa pagiging dikit na magkaibigan nina Makhachev at Khabib.

Pero  pananaw naman ng mga eksperto na kung babalik si Khabib ay hindi para maghiganti kay Oliveira.  Posibleng hangarin nito ang ikalawang world strap kung tatalunin niya ang isa pang magaling na kampeong si Israel Adesanya.

“Definitely Khabib has the recipe,” sabi ni Vieira. “He is technically and mentally superior to Adesanya. From what I’ve seen him doing in the academy, I have to agree with Ali (Abdelaziz).”

Sina Nurmagomedov at Makhachev ay parehong tubong Dagistan at nagtuturingan na parang magkapatid.   Sa kasalukuyan ay kinukulit ng tinaguriang “The Eagle” si UFC President Dana White para pormal nang maikasa ang labang Oliveira at Makhachev.  Pero hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang UFC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …