Saturday , May 10 2025
Rudy Gobert Utah Jazz Minnesota Timberwolves

Rudy Gobert nagsalita na kung bakit na-trade siya sa Timberwolves

NAGSALITA na si Rudy Gobert kung bakit ipinagmigay  siya sa isang trade ng Utah Jazz sa Minnesota Timberwolves.  “I think the organization felt like we had passed our window,”  pahayag niya.

Puna naman ng  mga miron sa NBA na  masyadong maraming kapalit si Rudy Gobert na ibinigay ng Timberwolves para makuha lang ang serbisyo ng sentro.  Ibinigay nila sa Jazz ang  apat na first-round picks kapalit ng big man.

Si Gobert ay makakatulong ng malaki sa kampanya ng Timberwolves dahil sa  ga-halimaw nitong depensa.  Katunayan ay tatlong beses siyang  naluklok bilang Defensive Player of the Year.  Kaya hindi panghihinayangan ng  Minnesota na pakawalan ang mga nasabing first-round-picks.

Sa paglipat niya sa Minnesota, ito ang ikalawa lang niyang team sa NBA.   Naging loyal siya sa Utah Jazz simula nang ma-draft siya noong 2013.   Sa tambalan nila ni Donovan Mitchell ay regular silang nakakasampa sa playoff sa huling anim na seasons.

Inaasahan na ng mga miron  ang posibilidad na ma-trade si Gobert pagkaraang sumama ang laro niya sa nakaraang season nang sa first round pa lang ng playoff ay nasibak agad sila sa Dallas Mavericks minus  star player nitong  si Luka Doncic sa unang tatlong games.

Makakasama ni Rudy si Karl-Anthony Towns at Anthony Edwards sa Minnesota, na naging biktima rin ng first-round exit sa kamay ng Memphis Grizzlies. 

Sa press conference ng Minnesota, sinagot ni Gobert ang isang malaking katanungan tungkol sa nangyaring trade.

“It’s a good question. Obviously, losing Quin (Snyder). Quin was a big part of what we were doing, he had been there for 8 years. Sometimes the window for winning is not always big. For us in Utah, that’s kinda what happened. The organization felt like we had passed the window that we had over the past few years. I think this will be a very competitive team, but they felt, with all the assets they could get for me, that was better for them to go that way. I think it could potentially be a win-win situation. They put me in a great situation to win and for me, I am very grateful for that.”

Ang paghihiwalay nina Gobert at ng Jazz ay para sa kapakinabangan ng bawat isa.  Aasamin ng Minnesota ang  kontensiyon para sa kampeonato habang ang Utah ay magkakaroon ng magagaling na  batang manlalaro na makakatulong kay Mitchell.

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …