SINUNGKIT ng Miami Heat ang 2-0 series lead laban sa Philalephia 76ers kahapon para isara ang Game 2 sa South Beach sa iskor na 119-103.
Marami ang nag-ambag ng puntos para sa Miami pero umangat sa lahat ang inilaro nina Jimmy Butler at Bam Adebayo na may kabuuang 45 puntos, 15 rebounds, at 15 aasists.
Pinangunahan naman ni James Harden at Tyrese Maxey ang atake ng 76ers. May combined 54 puntos, 10 rebounds at 7 assists.
Kailangan na lang ng Miami ang dalawa pang panalo para makasampa sa Eastern Conference finals na posibleng makaharap nila ang Milwaukee Bucks o ang Boston Celtics.
Nadehado nang husto ang Sixers nang hindi nakapaglaro si Joel Embiid na nadale ng broken orbital bone at mga pasa sa naging laro nila sa Games 6 laban sa Toronto Raptors. Resulta nun ay hindi siya nakalaro sa nakaraang dalawang laro sa second round.
Aminado naman ang coaching staff ng Miami na may bahagya ring epekto sa team ang pagkakarahe nina Kyle Lowry at Duncan Robinson sa rotation dahil sa injury. Pero ganunpaman komportable pa rin si head coach Erik Spoelstra sa siyam na natirang manlalaro niya na magaan niyang napapagpalit-palit.