“My dad is now wearing my jersey and feeling proud, where was he for 20 years,” sintemyento ni Dennis Rodman sa kanyang ama na inabandona siya sa kanyang kabataan.
Si Dennis Rodman ay naging isa sa pinakamatinding manlalaro sa NBA sa kanyang kasibulan. Maaalala siya sa kanyang mahalagang papel na ginampanan sa Chicago Bulls second three-peat, at tinaguriang matibay na depensa ng team para itayo ang dynasty ng prangkisa noong 90s.
Siya ang tinaguirang 3rd piece ng Bulls ng kanilang ‘big three’ na nakasentro kay Michael Jordan at Scottie Pippen.
Naging pangunahin siyang rebounder ng Chicago, at nanguna sa liga ng ilang beses sa kategorya kahit pa nga siya’y isang forward. Maganda man ang tinatakbo ng kanyang career, nananatiling walang ama na nakasubaybay sa kanya na tanggap niya na realidad.
Ang ama ni Dennis na si Philander Rodman ay bigla na lang lumitaw sa eksena na sa tuwing may laro ang batang Rodman ay naroon ito at nanonood na suot ang kanyang jersey.
Sa panayam kay Dennis, kategorikal nitong sinabi na hindi niya matatanggap ang ama na iniwan siya nang siya ay tatlong taon pa lamang.
Ganunpaman, patuloy ang pagsuporta ni Philander sa kanyang anak na parating suot ang Bulls jersey at ‘proud’ ito sa kanyang anak.
Dumating ang pagkakataon na nagkaroon ng rekonsilyasyon ang mag-ama nang mag-travel si Dennis sa Manila noong 2012 para sa isang exhibition game. Sa pre-game press conference ay inimbitahan niya ang ama na panoorin nito ang laro. Naging emosyunal si Philander sa muli nilang pagkikitang mag-ama.
“I’ve been trying to meet him for years,” sami ni Philander. “And then last night, boom, I met him. I was really, really happy and very surprised. He accepted me as his father. That’s the first time he ever called me his father.”
Hindi nagkaroon ng pagpapatuloy ang kanilang samahan nang mamatay si Philander noong July 14th, 2020 sa Pampanga sa edad na 79 dahil sa prostate cancer. Ganunpaman, ang dalawa ay nagkaroon ng daan para pasiglahin ang kanilang relasyon at matanggap ni Dennis si Philander bilang kanyang ama.